Pareho kong tinanggal ang pagkakahawak nila sa akin. Para silang mga bata. Akala nila laruan ako na pilit nila pinag-aagawan! "SUMAMA KA SA AKIN!!" Sabay nilang sabi.. at nagtitigan na naman sila ng masama!! Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa mga inaasal nilang dalawa! Talagang sabay pa nilang sinabi ang mga salitang iyon. Lumapit sa akin si Marcus.. "Monica. I'm serious... I want you to know that this time, I will take care of you.. hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lang Monica. Alam ng Diyos yan.. Please give me a chance. I will tell you the whole story.. handa na ako. Please.." pagmamakaawa ni Marcus. Parang may humipo sa puso ko nang marinig ang mga sinabi ni Marcus.. totoo ba? Ako lang daw ang minahal nya? Pero ang huling sabi

