Monica Walang patid ang saya ni Joy nang mabasa ang message sa kanya ni Marcus. Pinakita at pinabasa pa nya sa akin. Para akong nalaglag sa bangin sa bilis ng t***k ng puso ko nang mabasa ang message ni Marcus para kay Joy. Pakiramdam ko may bolang apoy sa loob ng puso ko na unti unting sinusunog. Sobrang sakit. Hindi ko maintindihan ang halo halong emosyon na nararamdaman ko! "Hi Joy.. handa na ako. Handa na akong mahalin ka. Pwede pa ba?" I can't explain the pain! It feels like my heart tear into pieces. Gusto kong murahin si Marcus! Gusto ko syang tanungin bakit ba paulit ulit na lang nya akong sinasaktan? Bakit? Alam naman nya kung gaano ko sya kamahal. Manhid na ba talaga ang puso nya? "Grabeh! Siz. Anong irereply ko? Anong gagawin ko?? Ito na yung matagal ko nang pinagdadasal!

