Hinatid ako ni Marcus sa tapat ng subdivision nila Senator. Ang paalam ko kay lola ay sila Anna at Clark ang kasama ko. Malalagot ako kapag nalaman nila na kasama rin pala si Marcus. Agad na akong bumaba ng kanyang kotse. Muli ko pa syang sinulyapan. Napakagat labi ako dahil iniisip ko pa din ang sinabi nya. Gusto nyang layuan ko na sya. Nais nyang tigilan ko na lahat ng ilusyon ko sa kanya. Pero bakit? Akala ko pa naman ay magkakaayos muli kami.. akala ko pa naman ay bumabalik na sya sa akin. Hindi na nya ako nilingon pa pagkababa ko ng kotse. Hinihintay na lamang nya akong umalis. Napayuko ako at tuluyan ko nang isinara ang pintuan ng kanyang kotse. Ilang saglit lang ay pinaandar na nya ang kanyang sasakyan.. Mas masakit ngayon dahil klarong sinabi ni Marcus na layuan ko na sya. Ba

