Sakay na kami ng magarang kotse ni Marcus. Pero bakit ba ako ang naisipan nyang isama sa pamamasyal? Bakit hindi na lang si Joy. Tutal ay yun naman ang girlfriend nya. Kailangan kong maliwanagan. Kaibigan lang ba talaga yung ganito ka itrato? "Next week, yung girlfriend ko naman ang ipapasyal ko. I should have more time with her para mas makilala nya ako. Sa ngayon, babawi ako sayo. Sa lahat ng mga kasalanan ko sayo, ito lang ang isa sa mga naisip kong paraan. I will take you to the most romantic places here in Paris. I will be your tour guide." Sabi nya sabay kindat sa akin. Biglang nagbagsakan ang aking mga balikat. Okay!!! Talagang pinanindigan nya ang pagiging magkaibigan namin?? Friendzone is real... Binuhay nya ang makina at nagpunta sa aming unang destinasyon. Ipinikit ko na la

