Biglang nag-iba ang awra ni Doc Vincent. Nakita ko ang pagngisi nya habang binibigyan sya ng first aid ni Nurse Shiela. Parang may saltik lang? Kanina galit na galit sya, ngayon naman patawa tawa sya jan. Nasaksihan ko din na kilig na kilig ang nurse habang ginagamot ang sugat sa noo ng doctor. Sa taglay na kagwapuhan ni Doc Vincent talagang kikiligin ang kahit sino. Nakita ko ang malalim na mga dimples nya. Teka. Sabi ni Mia ni hindi daw makuhang ngumiti ni Doc Vincent pero ngayon ay kitang kita ko ang laki ng mga ngiti nya. Kitang kita ko ang pantay pantay na ngipin nya. Tinitigan pa nya akong muli. I don't know the meaning of it, but I believe there's something in his glance. Hindi ko alam pero parang may iba lang sa kanya. "Hindi ka na nahiya! Kabago bago mo ganyan na ang pinapaki

