Maagang pumasok si Samantha para dalhin ang assignment na pinakisuyo sakaniya ng nobyo. Ayos lang naman kay Sam kung araw araw pa itong magpatulong sakaniya, mahal niya ang lalaki, 'yon lagi ang katwiran niya. Kahit pa ilang beses na siyang napagsabihan ng mga kaibigan niya patungkol dito pero sarado ang dalawang tenga at maging ang mga mata sa katotohanan. Ganun naman ata talaga kapag mahal mo ang isang tao. Handa mong gawin ang lahat kahit ano pa.
Nasa kabilang building pa ang department ni Jaypee- ang long time boyfriend niya. Tatlong taon na silang dalawa. High school pa lang ay magkakilala na sila, naging mag-seat mate hanggang sa naging mag-kaibigan, nagligawan- well hindi pala nagligawan kasi basta na lang naging sila at ngayon ay tatlong taon na nga agad ang relasyon nila.
Malapit na si Sam sa room ni Jaypee ng makasalubong niya si Mio- kaibigan ito ng nobyo niya na naging kaibigan na din niya sa tuwing pumupunta siya sa room ng mga ito, kung hindi para magbigay ng mga assignments ay para naman dumayo ng pag-kain ng lunch doon. Ultimo nga ata mga kaklase ni Jaypee ay malapit na din kay Sam. Well except from Monette na mukang may galit ata sakaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama dito.
"Mio!" Tawag niya sa lalaking palapit na sa kinaroroonan niya. Kumaway pa siya at binigyan ng matamis na ngiti ang binata. Simple lang si Samantha, hindi siya head turner at hindi din naman siya nerd. Although, may malaki siyang salamin sa mata para makakita naman siya dahil sa murang edad ay may diperensya na agad siya sa paningin. Pero once, na tinitigan mo na siya ay makikita mo ang angking ganda niya.
Nanakbo siya palapit sa lalaki para itanong si Jaypee na kanina pa hindi nag-rereply sa mga messages niya. Tinawagan na din niya ito pero puro ring lang ang cellphone nito. "Nasan si Jaypee?" She asked ng tuluyan na siyang makalapit dito.
Tinignan lang siya ng binata na para bang isa siyang cast sa spirit of the glass. Yes- she admitted na sobrang puti niya talaga kaya napagkakamalan na siyang white lady pero hindi naman siya talagang multo. Ang layo naman ng itsura niya sa mga multo 'no. May problema ba siya sakin? Mas lalo pang lumapit si Sam sa kaibigan at mahinang tinapik ang balikat nito. "Ano bang nangyayari sayo? Nandyan ba si Jaypee sa room niyo?" Pag-ulit niya pa sa tanong niya kanina baka kasi hindi lang narinig ni Mio ang nauna niyang tanong.
"Ah-h! Wal-a si-ya dy-an. Lum-abas si-la e. Kasa-ma si Jay-son! O-o tam-a, si Jays-on." Natatarantang sabi nito sakaniya. Bakas sa muka ng binata ang kaba at takot na hindi naman maintindihan ni Sam kung bakit. Pinagpapawisan na nga ito sa noo at titig na titig pa sa lupa na para bang 'yon ang kausap niya. Magsasalita pa sana siya ng manakbo na ang lalaki palayo sakaniya.
Ano naman kayang problema non sakin? Ang weird niya ha!
Hindi na lang ito initindi ni Sam at baka nga talagang napagkamalan siyang multo ng lalaki kaya ganon ito. Nagtuloy-tuloy na siya papasok sa room ng mga ito kahit pa wala si Jaypee. Baka kasi hindi na niya ito maibigay kapag nagsimula na ang klase nila. Kawawa naman ang nobyo kung walang maipapasang assignment.
Pinatong lang niya ang notebook sa upuan ng nobyo at mabilis na umalis pabalik sa building nila. Business Administration ang kinukuhang kurso ni Samantha, although teacher talaga ang gusto niya. Masunurin kasi siyang anak at gusto ng Daddy niya na mag-BA siya para daw may mag-aasikaso sa business nila in the near future once na mag-retiro na ito.
Kahit maaga pa ay dumiretso na siya sa room nila. Ayaw na niyang umuwi pa para magantay lang ng oras, hassle pa kasi 'yon at sayang sa oras. Isa pa, isang oras lang naman ang iintayin niya bago magsimula ang klase, mabilis na naman iyon.
Kinuha muna niya ang cellphone para itext sila Macy at Donita- ang mga bestfriends niya. Ayaw niya kasing magtampo ang mga iyon sakaniya, gustong gusto kasi ng mga ito na sabay sabay silang pumapasok at maging sa paguwi. They are sisters not by blood but in heart. Motto ng tatlo iyon sa tuwing may magtatanong sakanila kung magkakapatid ba silang tatlo.
Habang inaantay ni Sam ang reply ng mga ito ay nag-decide na lamang siyang mag-advance reading para sa klase nila ngayong araw. Masipag mag-aral si Sam pero hindi siya masyadong matalino pero name-maintain naman niya ang mataas na grades na siyang ikinasisiya ng Daddy at Kuya niya. Miski ang byenan niyang hilaw ay humahanga din sa sipag at talino niya na sana daw ay binahagian niya si Jaypee kahit konti lang.
Madami ding pumupuna sa relasyon ng dalawa. Gwapo kasi talaga si Jaypee- basketball player, matangkad, malakas ang dating- in short ideal boyfriend. Kaya ang daming nagtataka kung bakit siya naging girlfriend nito. Eh simple lang naman ang isang Samantha Elizalde. Wala itong ka-arte arte sa katawan, simpleng blouse at pants lang ang pinaka-porma nito at kung hindi lugay ay naka-tali naman ang mahaba nitong buhok. Pero sabi naman ng marami, puso ang nagmamahal at hindi ang mga mata. Which is so true. Kaya di malabong minahal siya ni Jaypee.
Natigilan si Sam sa pagbabasa at mabilis na tumayo para lumabas upang tignan ang dahilan kung bakit nagtitilian ang mga babae sa may hallway. Ah kaya naman pala.
Bagsak ang balikat niya ng makita niya ang grupo nila Jace- ang grupo ng mga pinakasikat sa buong campus. Mga anak mayaman ito pero masama naman ang mga ugali. Pero hindi niya maitatangging gwapo talaga ang mga binata kaya madaming nagkakagusto sakanila pero kung siya lang din ang papipiliin, mas gusto niya pa din ang simple lang. Kagaya ni Jaypee- ang boyfriend niya.
Yeah, she's head over heels in love with Jaypee. Well ganun naman ata talaga magmahal si Sam, wala ng itinitira para sa sarili niya.
"Hey." Kinurap kurap niya ang mga mata at nanlaki ang mga ito ng makita si Jace sa harap niya. Ilang inches na lang ang pagitan ng mga muka nila at maling galaw lang niya ay mahahalikan na niya sa baba ang binata. Matangkad ang lalaki at hanggang balikat lang siya nito kaya naman nakatingala siya. Ghad, anong ginagawa niya dito?
"Can you please don't block our way? Sayo lang ba tong room?" Matalim ang mga tingin sakaniya ni Jace- ang leader ng mga bibe- esteng mga bad boys. Agad naman siyang tumabi sa daan para bigyan ng way ang grupo nila at napayuko na lang siya sa sobrang kahihiyan. Hinawakan niya ang dibdib ng bumilis ng sobra ang t***k ng puso niya. Hindi niya akalain na matitigan lang ng isang Jace Villafuente ay manginginig na agad ang buong kalamnan niya. She's now agreed to many students here- nakakaintimidate nga talaga ang Jace na 'yon.
Yes, unfortunately, classmate niya ang mga lalaking 'yon na saksakan ng yabang. Iisa lang ang classroom na inookyupa nilang lima pero hindi man lang naguusap o nagpapansinan ang mga ito. Asa pa naman siyang pansinin ng isang Jace o ni Coby or kahit si Ram o kahit si Six. Again, simple lang siya kumbaga walang dating ang beauty niya at tanging Daddy, Mommy at Kuya niya lang ang nakaka-appreciate non.
Napailing na lang siya ng tuluyan ng makadaan ang apat. Napatingin naman agad siya sa labas ng room nila at natigilan siya ng makitang nakatingin sakaniya lahat ng mga estudyanteng nagpapantasya sa apat. May ibang nakangiti sakaniya, meron namang poker face lang at walang pakialam pero hindi nawala sa tingin niya ang grupo nila Heidi- kung merong bad boy sa school syempre meron ding mean girls. Hindi na ata mawawala 'yon e.
Ang grupo nila na lahat na ata ng pogi sa University ay nilalandi. Sa totoo lang sayang ang ganda nila kasi hindi nila ginagamit sa tama. Naku, kung ako lang ang meron ganyang ganda. "I might use it well. Hahaha." She whispered. Pasimple siyang ngumiti atsaka bumalik sa upuan niya.
Nahihiya man siyang pumasok ulit dahil ramdam niya ang apat na pares ng mga matang nakatingin sakaniya. This is her first time to felt conscious about her looks, kung panget ba siyang maglakad o baka madapa siya habang dumadaan sa harap ng apat. Sa tatlong taong pagiging magkakaklase nila, ngayon lang talaga siya kinabahan ng ganito. Ngayon lang! Promise!
Binilisan na lang niya ang paglakad at agad na kinuha ang libro na kanina pa niya binabasa para itago ang muka niya. Nakatingin siya sa mga letra na naka-print sa libro pero ang isip niya ay na kila Jace pa din. Kahit naman kasi hindi siya tumingin ay alam niyang nakasunod ang tingin sakaniya ang apat na mas lalong nagpakaba sakaniya. She's silently praying na sana dumating na ang iba pa nilang mga kaklase at ang professor nila na kahit mataray ay pagtyatyagaan na niya kaysa naman na silang lima lang ang nandito. Geez, nakakatakot!
"Grabe, pre! Nakakatawa talaga ang itsura ni Brandon nung ako ang pinili ng girlfriend niya. Grabe, ang panget talaga ng gagong 'yon! Mukang aso e." Masayang kwento ni Ram sa mga kaibigan niya. Ram Acevedo- kilalang kilala ang pangalan niya hindi lang dito sa University nila maging sa ibang Campus. Kilala siyang babaero at chick magnet, halos lahat ng department ay may girlfriend siya o di kaya kalandian. Sabi pa nga nila ay damitan mo lang daw ang poste ay papatusin na daw ng isang to. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi kasi gwapo naman kasi talaga siya.
"Gago ka din Ram! Nagalusan ang gwapo kong muka dahil sayo. Kung di mo inasar yung Brandon na 'yon edi sana hindi tayo mapapaaway kagabi. Gago ka talaga!" Halos mapuno ng mura ang buong classroom dahil kay Six. Six Macadaeg- ang pinaka-makulit at pinakamasayahin sa apat. Lagi mo siyang makikitang nakangiti na para bang nickname na niya ang Mr. Smiley. Well- mas gusto na ni Sam 'yon kaysa kay Jace na hindi man lang ngumingiti at parang laging may problema, para itong pinaglihi sa sama ng loob. Kaya nagtataka ako, bakit si Macy hindi naman mukang galit sa mundo? Eh diba, kambal sila? Ay! Ewan!
"Tumigil na nga kayong dalawa. Hindi lang tayo ang tao sa room kaya wag kayong masyadong maingay." Suway sakanila ni Coby. Coby Samonte- ang pinaka-mabait sa apat. Hindi man siya palangiti gaya ni Jace pero mabait naman siya. Tahimik at may pagka-suplado lang siya pero hindi siya hari-harian sa school. Again... hindi gaya ni Jace. In short, he's Jace Villafuente's total opposite. "Anong oras ka nga pala nakauwi kagabi Jace?" Tanong pa ng binata. Bukod sa pagiging mabait ay matalino din si Coby, tingin nga ni Sam sa apat na 'yon ay si Coby lang ang nagaaral. At hindi man niya aminin, si Coby lang ang gusto niya sa mga ito. Gustong maging kaibigan.
Matagal na katahimikan bago nagsalita si Jace. Hindi naman maintindihan ni Samantha kung bakit na-cucurious siya sa magiging sagot ng binata dito. Hindi man niya kilala si Jace personally at kahit best friend niya ang twin sister nito na si Macy ay wala pa ding alam si Samantha tungkol dito. Siguro, yung tungkol lang sa girlfriend nitong nasa US at ang pagiging bad boy ni Jace, 'yon lang ang alam niya.
"Wala na kayong pakialam don. Matutulog lang ako!" Mahinang natawa si Samantha sa naging tinuran ng binata. Grabe, ang sama talaga ng ugali. Parehas namang mabait sila Tito Jake at Tita Martha. Saan kaya nagmana ang isang to?
"Besty!" Sabay sabay na nagsipag-lingon ang lima sa loob ng kwartong 'yon sa isa't kalahating babae na pumasok sa loob. Lumapit ang dalawa kay Samantha at nakataas pa ang kilay ng mga ito na para bang any minute ay mananabunot na. "Why didn't you wait for us ha?" Maarteng tanong ng babae sakaniya. Agad na napalingon ang babae sa grupo nila Jace ng hindi makasalita si Sam. "Jace!" Malakas na tawag nito sa lalaki.
"What? Pwede ba Jewel naririndi ako sayo! Sa bahay palang bingi na ako, pati ba naman dito?" Masungit na sagot ni Jace sa kakambal niya. Yes- this girl is Macy Jewel Villafuente, Jace's twin sister. Pero kahit kambal sila ay parang Kuya pa si Jace kung umasta dito at parang ang laki ng agwat ng edad nilang dalawa. "Pwede ba bumalik ka na nga sa room niyo? Lakad alis na nga dito." Tumayo na si Jace at hinawakan sa braso ang kakambal niya tsaka pinagtulakan palabas ng room nila ang mga ito.
"Ano ba, Jace! You're so epal talaga." Rinig pa nilang pag-rereklamo ni Macy sa kapatid na kinaladkad siya palabas ng room. Nagpipigil naman ng tawa sila Sam at Donita sa nangyari sa kaibigan nila. Donita- is a half man and halfa woman, and his real name is Douglas. Mas bet niya daw kasi ang Donita, bagay sa ganda niya.
"Sige na nga Besty. Bye bye." Nag-beso beso pa ang dalawa ni Donita bago ito lumabas para sundan si Macy. Culinary Arts ang kurso ng dalawa at siya lang talaga ang napahiwalay sa tatlo. Sinundan na lamang ni Samantha ng tingin ang dalawang kaibigan hanggang sa tuluyan na ngang nawala ang mga ito.
"Oh. San ka naman pupunta?" Hindi niya inaasahang lilingunin niya ang mga ito ng marinig niya ang tanong ni Coby. Saglit lang niyang tinignan ang apat at mabilis na nagiwas ng tingin ng magsalubong ang tingin nila ni Jace. "Huy, may klase pa tayo!" Hindi na siya nagpaka-abala pang tumingin ulit at nagbasa na lang siya sa Marketing. Mas may kwenta pa para sakaniya ang Marketing kaysa sa apat na to.
"Wala. Tinatamad na akong pumasok! Kita na lang tayo mamaya."'Yon lang ang narinig niyang sagot ni Jace sa mga kaibigan atsaka tuluyan ng umalis. They waited for more than 10 minutes bago dumating ang mga kaklase nila at kasunod na nito ang professor nila sa Marketing na terror. Nag-attendance lang ito saglit bago nagsulat sa black board. Nag-turo lang ito saglit bago nagpa-quiz- as she's expected. Sabi na e. Buti na lang talaga girlscout ako.
"Galingan niyo sa quiz na to kasi 10% to sa grade niyo. Sorry na lang si Mr. Villafuente kung babagsak siya." Mataray na sabi ng nasabing professor sakanila. Di alam ni Samantha kung bakit bumilis ang pagtibok ng puso niya sa narinig. Naaawa siya kapag bumagsak si Jace at the same time, naiinis siya sa sariling puso dahil wala na itong ginawang tama ngayong araw kundi tumibok lang ng mabilis.
On the other hand, naisip niya naman ang mga magulang nito. Ma-impluwensya ang pamilya Villafuente lalong lalo sa University nila dahil isa sa stock holder ang Mommy nito kaya malabo pa sa patis labo ang hindi pag-graduate ni Jace. Anak mayaman ang binata at kayang kaya nitong makapasa sa isang pitik lang. He's Villafuente for their information.
Nagpatuloy lang si Mrs. Deang mag-discuss bago siya nag-pa dismiss. Dalawang subjects lang naman ang schedule nila every Friday kaya maaga din siyang makakauwi ngayon, plano niya kasing yayain sa date ang nobyo. Ilang linggo na din kasi silang hindi lumalabas so she thinks this it the perfect timing now. Inayos niya lang ang gamit nya para lumabas at puntahan si Jaypee sa kabilang building. Alas dos pa ng hapon ang sunod niyang klase at alam niya na hanggang 12 noon lang ang klase ni Jaypee ngayon. Tumingin siya sa relos niya at 30 minutes na lang at malapit ng mag-uwian ang mga ito. Binilisan niya ang paglakad- let me say, pagtakbo para abutan ang nobyo sa room nito.
Information Technology naman ang kurso ni Jaypee at gaya ni Jace ay medyo tamad ding magaral ang nobyo niya kaya kahit madami siyang ginagawa, lalo na kapag nagsabay sabay ang exams ay nagagawa pa din niyang tulungan ito. Wala e, mahal na mahal niya talaga ang lalaki. At kahit mahirapan man siya ay gagawin niya pa din ang lahat para lang dito.
Hinanap niya agad si Jaypee ng makadating siya sa tapat ng room ng mga ito. May klase pa sila at may professor pa sa unahan pero si Jaypee ay nakikipagusap lang kay Monette- si Monette na galit ata sakaniya. Nagtatawanan ang dalawa na para bang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Nag-init naman agad ang gilid ng mga mata niya at bahagyang kumirot din ang kaniyang dibdib.
"Ano to? Nagseselos ba ako?" Bulong niya. Umiling iling siya para alisin ang kaisipang iyon. May tiwala siya sa nobyo at alam niyang hindi siya nito magagawang lokohin. Nanlumo naman siya at bahagyang napabuntong hininga ng makita ang magagandang ngitian ng dalawa. Ang laking ganda ni Monette sakaniya- mahaba ang kulay brown nitong buhok na kulot pa ang dulo, maputi ito at makinis ang balat at kahit hindi ito mag-ayos ay maganda talaga ang dalaga. No doubt kung bakit na-tethreaten ng ganito si Samantha sa dalaga.
Imbis na tawagin si Jaypee para itigil na niya ang pagngiti kay Monette ay nag-decide na lang na umalis na si Samantha. Hindi na ata kaya ng mga mata niyang pag-masdan pa ng matagal ang dalawa habang masaya ang mga itong nagkukwentuhan. On the back of her mind, naisip niya na bagay pala ang dalawa at napakalaki pala talaga niyang epal para sa love story ng mga ito.
"Hay. Mahal ko si Jaypee. Mahal na mahal kaya di ko siya basta basta bibitawan lang kahit pa ako na ang pinaka hindi bagay sa lahat para sakaniya." Punong puno ng kompyansang sabi niya sa sarili. Gusto niyang paniwalain ang sariling sakaniya lang si Jaypee... sakaniya lang ang nobyo.
Nag-decide na lang siyang magpunta na lang sa cafeteria at pahakbang na sana siya ng biglang may nagsalita sa likuran niya. "Hindi mo ba alam na inu-uto ka lang nung boyfriend mo? Boyfriend mo ba 'yon?" Nanigas siya ng marinig niya ang mga boses na 'yon. Hinanap niya yung nagsalita pero wala siyang makita. Ano 'yon multo? "Psh. Stupid!" Dagdag pa nito. Mula sa itaas ng puno ay tumalon ang lalaki at ngayon nga'y nasa harapan na niya ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lalaki na seryosong nakatingin sakaniya.
"A-no ban-g pinag-sasa-bi m-o d-yan?" She calmed her heart and her mind at nagiwas ng tingin sa lalaki. Again, hindi niya kayang makipag-sabayan sa titigan ang lalaki sa harap. Mahina namang natawa ang lalaki at mukang pinagtatawanan siya nito dahil sa pagutal niya o dahil nga iniisip nitong uto-uto siya.
"Wala akong pakialam sayo at kahit niloloko ka pa ng lalaking 'yon." Tinuro pa nito ang pwesto nila Jaypee na magkaka-stiff neck na ata sa sobrang lingon kay Monette. They're still talking and laughing like there's no tomorrow. "Tambayan ko to at lagi kong nakikita ang dalawang yan." Sinuot nito ang shades niya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Nilampasan na siya ng lalaki at napatulala na lang siya sa kawalan.
Did she heard it right? Concerned ba ito sakaniya para sabihin sakaniya ang bagay na 'yon? She don't thinks so. Bad boy si Jace at sa malamang at sa malamang, tinatawanan pa siya nito sa mga oras na to.
"Wag mo ngang sabihin kay Jaypee yan! Mas masama naman ang ugali mo kasya sakaniya!" Buong lakas na sigaw niya. Hindi ito nagsalita o lumingon man lang sakaniya at nagpatuloy lang ito sa paglalakad as if he didn't hear her shout.
Tuluyan ng nawala si Jace sa paningin niya at naiwan na lang siyang nakatulala sa kinatatayuan niya. Ang bilis ng t***k ng puso niya at pakiramdam niya any minute ay maiiyak na siya ng tuluyan. Hindi siya dapat maniwala sa sinabi ni Jace pero may part sakaniyang mukang tama nga ang sinabi nito.
Niloloko lang ba talaga siya ni Jaypee? Inuuto lang kaya siya nito at hindi naman talaga siya nito mahal? Wag naman sana. Hindi ko kakayanin.