Damien Craig’s POV “Kumusta siya? Nasundo n’yo na ba? Nasa bahay na ba si Oriana?” “Oo, bosing. Kanina pa pumasok sa loob ng bahay. Hindi pa ba tumatawag sa inyo?” Nagsalubong agad ang kilay ko. Tanaw ko ang syudad mula sa twin tower. Ang sabi niya tatawagan niya ako pagkauwi niya. Bakit hindi niya pa ako tinatawagan? Kanina pa ako naghihintay. Kabisado ko ang schedule niya at alam ko na nakauwi na siya pero sinigurado ko pa rin dahil hindi siya tumatawag sa akin. “May kakaiba ba sa kanya?” Hindi ako mapakali. “May napansin ba kayong hindi maganda sa kinikilos niya? I mean, sa tingin niyo ayos lang ba si Oriana diyan? Wala bang masakit sa kanya?” Kailangan kong malayo sa kanya para sa investor ko. Kung hindi lang ‘to sobrang halaga baka hindi na ako umalis sa tabi niya. Minu-minuto

