Episode 71

3306 Words

Oriana Fatima’s POV Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko habang pinagmamasdan ang eroplanong dahan-dahan na tumataas para lumipad sa ere papunta sa malayo. Hindi ko alam kung saan papunta ‘yon pero sigurado ako na malayo ang lipad no’n. Malayo sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ilang oras pa ang itatagal ko sa bansang ‘to. Malapit na rin akong sumakay sa eroplanong ‘yan. Sasakay ulit ako… At ito ang pinakamasakit na pagsakay ko sa eroplano dahil hindi ko kaya. Hindi ko tanggap na aalis ako rito. Ayokong iwan ang bansang ‘to pero kailangan. Ang hirap kapag may isang bagay akong kailangan gawin dahil kailangan kahit na labag na labag sa kalooban ko. Tatlong araw ko ng hindi nakikita si Damien simula nang magtago ako at lumayo para sa kapakanan niya. Kahit ang marinig ang boses niya, wala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD