Lordy POV
Pagkatapos ng nangyari kanina ay agad na akong bumangon at naligo. Ginawa ko na rin ang iba pang ka-ek-ekan na kailangan gawin at nararapat gawin. Tapos na rin akong magbihis.
Tutal linggo naman ngayon at may trabaho pa ako, ay agad na akong lumabas sa kwarto at pumunta sa kusina para kumain. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko na silang lahat doon na kumakain na at sobrang ingay talaga nila kada-umaga.
At ipapakilala ko sila sa inyo isa-isa para di kayo mahirapan sa pagkilala sa amin.
"Hoy paabot nga nong tinapay, bilisan mo!" Yan ang kuya ko. Siya si kuya Axum. Palautos yan at kailangan talagang nagagawa mo agad ang utos niyan kasi apaka-sungit niyang kinginang yan, char shh lang kayo peace kami ni kuya hihihi.
"Ma asan 'yong milky-milky ko?" Ito naman 'yong bunso sa aming magkapatid. Medjo childish rin yan at syempre inosente kaya minsan yan napagtri-tripan namin, pero sinusuyo rin naman namin agad kapag tapos na namin pagtripan. Sanaol may sumusuyo diba. Eh ikaw, sinuyo ka ba? agoi kawawa HAHAHA.
"Ano ba Jueqito ang aga-aga ang landi mo, kita mo namang nasa hapag-kainan tayo oh 'tsaka ano ba may mga batang nakatingin oh" Ito naman ang aking bungangerang mama na palaging kinukulit ni papa pero kahit ganyan yan si mama, ay love na love pa rin naming lahat yan.
"Sorry na honey mah luvs bjkjsdhd hihihi" paghinigi ng tawad ni papa kay mama at may binulong pa ito sa huli tapos ay humagikhik rin kaya nakurot siya ni mama. At ito ang aking papa. Mapang-asar siya at palagi niyang pinagtri-tripan si mama. Titigil lang si papa sa pang-aasar kay mama kapag tinakot na siya ni mama na sa hindi niya makakatabi ito sa pagtulog.
"Yocs 'don nga kayo sa kwarto niyo mag lovey-dovey pwe" tila nandidiring sabi ng ate ko na pinaglihi sa ampalaya dahil nasobrahan sa pait. Porque iniwan ng jowa niyang namamakla ay required na ba talagang maging bitter siya HAHAHA char peace kaya kami ni ate Mira Jade.
"Ayieee kiss na yan" ito naman si ate Myra Jane at kung gaano kabitter si ate Mira Jade ay ganon naman kasweet si ate Myra Jane. Kabaliktaran sila noh, well hindi na kataka-taka 'yon kasi magkambal sila.
"Yohooo baka madagdagan kami nyan ah HAHAHA" at ito naman ang pilya kung kapatid na babae na nagsabi na nasapian ako ng demonyo. Ipaalala niyo sakin na may atraso pa 'to sakin at siya nga pala si Ibiza.
"Ano ba tumahimik na kayo at kumain ng matiwasay" saway ng lola namin sa father's side. Siya si Lola Teresita. Medjo masungit siya at siguro sakanya nagmana si kuya ng kasungitan niya.
Sa panonood at pakikinig ko sa kanila ay hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako at nagsasandok ng pagkain
"Oh andito ka na pala apo, sige halikana kain na tayo " sabi ni lola ng mapansin niya ako.
Matiwasay kaming kumain hanggang sa nagtanong ni mama kung may trabaho ba ako ngayon.
"Nga pala anak, may trabaho ka ba ngayon sa store?" tanong ni mama sakin. Alam kasi nila na nagtatrabaho na ako sa edad kung to at hindi sila tutol don basta hindi ko mapapabayan ang pag-aaral ko. Kasi gusto ko lang naman maging independent at hindi manghingi ng pera sa kanila kapag may personal na bagay akong gustong bilhin.
Nginuya ko muna 'yong kinakain ko bago ko sinagot 'yong tanong ni mama about sa kung may trabaho ba ako ngayon.
"Meron po ma, actually hanggang alas 7 lang ako ngayon kasi maaga daw magsasara 'yong store" sagot ko sa tanong ni mama.
"Oh sige bilisan muna 'yong kain mo diyan baka malate ka pa at mapagalitan nong boss mo" sabi rin ni papa. Kaya binilisan ko na ang pagkain ko at uminom na ng gatas. Bago ako tumayo ay nagpaalam na ako sa kanila na tapos na ako. Kailangan talaga may table manners kasi mabait na bata ako eh, ang aangal hindi magkakajowa HAHAHA.
Pagkatapos ko magpaalam sa kanila sa dining ay agad na akong pumunta sa kwarto ko at dumiretso sa banyo upang magtoothbrush muna kasi nakakahiya naman kung papasok ako sa trabaho na mabaho 'yong hininga noh. Nagbihis na rin ulit ako ng damit pangtrabaho tutal nakaligo na naman ako kanina bago bumaba at kumain sa hapag-kainan.
Bumaba ulit ako at nagpaalam ulit sa kanila na papasok na ako sa trabaho. Naglakad na lang ako kasi malapit lang dito 'yong store kung saan ako nagtatrabaho, actually convenient store siya. Ng makarating na ako sa store ay agad na akong naglog-in sa logbook namin, don kasi kami nag-aattendance at don rin makikita kung sino 'yong nagtatrabaho sa araw na 'yon. Pagkatapos ko maglog-in sa logbook ay agad ko na rin ginawa mga kailangan kung gawin sa trabaho.
Natapos ang araw ng matiwasay. Maayos naman ang naging trabaho ko kasi hindi naman ganon kadami 'yong customer. At ng matapos na ako sa shift ko ay agad na ako naglog-out sa logbook. Papauwi na ako sa bahay ng may nakita akong bata na tumatawid at sa tantya ko ay nasa edad limang takn pa lang ito. Nakita ko itong hindi tumitingin sa dinadaanang kalsada kaya nilapitan ko ito at inilagay sa gilid kung saan ligtas para hindi siya masagasaan. Tinanong ko ito kung saan siya pupunta.
"Hi little child, saan ka pupunta hmm?" tanong ko sa kanya habang nakangiti para hindi siya matakot sa akin.
"Hello po ate pretty, pupuntahan ko lang po sana 'yong candy shop diyan sa kabilang road lang po hihihi" nakangiti rin nitong sagot sa tanong ko. Ang kyut niya ngumiti kasi nawawala 'yong mata niya, singkit kasi siya.
"Sige ako na lang bibili sayo non okay para hindi ka mapahamak ah, okay ba 'yon sayo little child?" tanong ko sakanya at nakita ko namang tumango ito kaya iniwan ko muna ito don at bumili na ng candy na bibilhin sana niya. Ng matapos ko mabili 'yon ay agad na akong bumalik don sa bata at ibinigay ito sa kanya. Hinatid ko na rin 'yong bata pauwi sa kanila at umuwi na ako ng matiwasay sa amin.