Chaptet 54 .... Hilang hila ako ni kuya Axel patungo kung saan. Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya pero kahit na isang sagot ay wala akong napala. Ilang saglit pa ay tumigil kami kung nasaan ang mga bangka. Ewan ko kung ano ang gagawin namin dito. Hindi kaya may tinatagohan itong lalaking to? Baka naman hinahunting na siya kung sino man? " Upo muna tayo." Sabi niya sa akin. Tinignan ko lamang siya na may pagtatanong sa aking mga mata at tanging ngiti lang ang kanyang naging tugon. Nauna siyang umupo at agad naman akong sumunod. Nakatingin lang kami sa malawak na karagatan. Ang kulay asul na dagat ay nagbibigay ginhawa sa aking mga mata. Ang sariwang ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat na parang nagmamasahe sa akin. " Ano ba ang ginagawa natin dito?" Nagtataka kong tanong s

