Chapter 28 Sky's Pov: "Ano yang ginagawa niyo!?" Napahiwalay agad kami ni kuya sa paghahalikan ng marinig namin ang mga katagang yan. Sabay kaming napatingin sa pinto at nakita namin ang mukha ng isang lalakeng nagulat sa nasaksihan. "Ku…kuya, magpapaliwanag ako." Nauutal na sabi ni kuya Axel sa kanya. Lumapit si kuya Keith sa aming dalawa at may inaabot na tig-isang regalo sa amin. "Kuya…" di natuloy ni kuya Axel nang magsalita siya. "Huwag kayong mag-alala, di ko ipagsasabi kung ano ang nakita ko. Basta mag-ingat lang kayo dahil kapag nahuli kayo nina papa siguradong magagalit yun." Sambit sa amin ni kuya Keith. "Salamat kuya…" Simula nang mahuli kami ni kuya Keith na naghahalikan ay naging maingat na kami sa lahat ng aming kilos. Hanggang dumating ang pasukan. Naging maayos nam

