Chapter 38 Napahawak ako sa aking ulo dahil sa kaunting kirot na aking nararamdaman mula sa aking ulo. Habang nakapikit ako, naalala ko ang lalaking pumasok sa kwarto kung nasaan ako. Agad kong iminulat ang aking mga mata at tinignan ang aking tabi kung sino ang yumakap at humalik sa akin nuo kagabi pero..wala. Wala akong katabi. Tanging ang unan lang ang nakita ng aking mga mata. Siguro imagination ko na naman na nandito si kuya Axel kagabi. Paano naman siya makakapunta dito kung siya man yun? At tyaka imposible yun eh. Hayst..ganito ko na ba siya kamiss? Kahit na saan ako magpunta ay nakikita at nararamdaman ko siya. Umupo ako sa kama at inilibot ang aking paningin. Nakita ko si kuya Keith na natutulog sa sofa. Bakit kaya diyan siya natulog? Maluwag pa naman ang kama para sa aming d

