HINDI kaagad nakalapit si Selena kay Dean kahit pa nakita niya na ito sa tapat ng gate ng kanilang mansyon. Nakaupo ang binata sa hood ng kotse nito at nakapaloob ang mga kamay sa bulsa ng suot na leather jacket. Nakatingala ito sa kalangitan kaya hindi kaagad siya napansin nito. Hindi inakala ni Selena na papayag si Dean na makipagkita sa kanya ng ganoong oras. Ayon rito ay mahigit apat na oras ang distansya ng unit nito sa mansyon ng kanyang pamilya. Pero nagmaneho ito ng ganoon kalayo para lang pagbigyan siya. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Noon naman lumingon ang binata sa gawi niya na para bang naramdaman na nito ang presensiya niya. Nagtama ang kanilang mga mata. Parang napakaraming gustong sabihin ni Dean base sa mga titig nito sa kanya. Kung sana ay kaya niyang

