UMIINOM si Yssabelle ng tubig ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya na inilapag niya sa ibabaw ng dining table. Bitbit ang baso na humakbang siya palapit do'n. Sinilip niya kung sino ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Nakita at nabasa naman niya na si Chester ang tumatawag sa kanya. Agad naman dinampot ni Yssabelle ang cellphone niya at saka sinagot ang tawag nito. "Hello?" "Hi, Yssabelle," bati naman ni Chester mula sa kabilang linya. "Napatawag ka?" tanong naman niya dito. "Hmm...it's about the favor you asked me yesterday," wika nito sa kanya sa dahilan kung bakit ito tumawag sa kanya. Napaayos naman si Yssabelle mula sa pagkakatayo niya sa sinabi nito. "May nahanap ka na ba na pwede kung pagtrabahuan?" tanong naman niya kay Chester. Kinapalan kasi niya ang mukha d

