"DATING gawi po, Manong Fred," wika ni Yssabelle kay Manong Fred ng ihinto nito ang minamanehong sasakyan sa parking lot ng building kung saan matatagpuan ang condo ni Si Trent. Tumango naman si Manong Fred sa sinabi niya. "Oo, maghihintay lang ako dito," sagot naman nito sa kanya. "Sige po," sabi naman niya. Pagkatapos niyon ay tinanggal na niya ang seatbelt na suot at saka niya binuksan ang pinto sa gawi niya at bumaba na siya ng kotse. Schedule ulit ni Yssabelle na maglinis at magluto sa bahay ni Sir Trent. Kapag schedule niya sa condo nito ay hindi siya pinagta-tranaho ni Manang Susan sa mansion o kung magta-trabaho man siya ay hindi masyado mabigat para hindi siya napagod, para may energy pa siya na maglinis sa condo nito. Nagpatuloy naman na si Yssabelle sa paglalakad papasok

