HINDI alam ni Yssabelle ang nararamdaman niya ng sandaling iyon. Halo-halo kasing emosyon ang nararamdaman niya. Naroon ang kaba at takot. Kinakabahan kasi siya dahil ilang sandali na lang ay ikakasal na siya kay Trent, ilang oras na lang ay mapapalitan na ang apilyido niya ng Falcon. At takot naman sa susunod na mangyayari sa buhay niya pagkatapos ng kasal nila. Ngayong araw ang private wedding nila ni Trent. Sa loob ng ilang linggo ay na-i-i-ayos nila iyon, sa tulong ng Lola nito. Gusto kasi nito na sa lalong madaling panahon ay maikasal sila ni Trent habang naroon pa ang mga ito sa Pilipinas. At sila lang dalawa ni Ma'am Mary ang nag-plano at nag-asikaso ng kasal nila ni Trent. Lagi kasing sinasabi ni Trent na busy ito, na wala itong oras kaya sila na lang ang nag-asikaso ng nalalap

