"YSSABELLE." Nag-angat ng tingin si Yssabelle nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Ate Mae. Nakita naman niya itong nakasilip sa pinto ng kwartong tinutuluyan ng mag-angat siya ng tingin. "Bakit po, Ate Mae?" tanong naman niya dito ng magtama ang mga mata nilang dalawa. "Makikisabay ka pa daw ba kay Manong Fred?" tanong nito sa kanya. "Aalis na daw siya," pagpapatuloy pa na wika nito. "Opo, Ate Mae," wika naman niya. "Pasabi saglit lang po," dagdag pa niya. "Sige," sagot naman ni Ate Mae sa kanya. Pagkatapos niyon ay umalis na ito mula sa pagkakasilip nito sa labas ng pinto. Itinago naman na ni Yssabelle ang natira sa sinahod niya sa lalagyan niya ng damit. Sa wakas ay dumating na din ang pinakakahintay niya, ang araw kung kailan siya sasahod. Pinakahihintay niya iyon dahi

