NAPATIGIL si Yssabelle sa akmang pagpusod sa mahabang buhok nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya na inilapag niya sa ibabaw ng dining table kanina noong pumasok siya sa kusina. Ipinagpatuloy naman niya ang pagpusod ng buhok habang humakbang siya palapit sa table kung nasaan ang cellphone. At nang silipin niya ang screen ng cellphone ay nakita at nabasa niya na ang kaibigang si Tanya ang tumatawag sa kanya ng sandaling iyon. Mabilis naman niyang tinapos ang ginagawa. Pagkatapos niyon ay dinampot niya ang cellphone para sagutin ang tawag nito. "Hello?" masiglang bati niya mula sa kabilang linya. "Ang saya natin, ah. Ano mayro'n?" wika naman ni Tanya sa kanya sa halip na batiin din siya nito. Kinagat naman ni Yssabelle ang ibabang labi ng marinig niya ang sinabin

