WALANG magawa si Yssabelle sa loob ng condo ni Trent. Tapos na kasi siya sa mga gawaing bahay, nakapaglinis na siya, nakapaglaba na din siya ng mga damit nila. At maaga pa naman para magluto siya ng dinner nila. At ayaw din naman niyang lumabas ng condo dahil kapag lalabas siya ay gagastos pa siya. Eh, nagtitipid siya. Hindi naman siya nakakapag-trabaho sa mansion kaya hindi niya alam kung may sasahurin ba siya sa susunod na payday. Mabuti na lang nga at libre lahat ng kailangan niya dahil kung hindi libre, po-problemahin na naman niya kung saan siya kukuha ng pera. Pero naisip ni Yssabelle, paano kung hindi na siya sasahuran ni Trent? Paano kung may kailangan siyang bilhin ng personal? Paano kung maubos iyong natitirang pera niya sa wallet? Paano siya? At higit sa lahat ay kung hindi s

