"MISS YSSA?" Lumingon si Yssa sa kanyang gilid ng may tumawag sa kanyang pangalan. At nang paglingon niya ay nakita niya ang paglapit ng isang babae sa kanya. Bahagya naman niya itong nginitian. "Yes?" wika niya ng magtama ang mga mata nilang dalawa. "Ayusan ko na kayo, Miss Yssa. Mag-uumpisa na kasi ang photoshoot niyo mamaya," imporma naman nito sa kanya. "Oh," sambit ni Yssabelle. Bago naman niya ito sagutin ay iginala niya ang tingin sa paligid para hanapin si Chester. Nakita naman niya ito na abala sa pakikipag-usap sa mga staff nito, mukhang in-o-orient ni Chester ang mga ito sa mga gagawin ng mga ito mamaya kapag nag-umpisa na ang photoshoot. Inalis na niya ang tingin dito at ibinalik niya iyon sa babaeng kausap niya. Pagkatapos niyon ay tinanguhan niya ito. "Tara po," ya

