NANG magmulat ng mga mata si Yssabelle ay puting kisame agad ang nabungaran niya ng kanyang mata. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata para alalahanin kung nasaan siya sa sandaling iyon. "Thank God! Gising ka na," mayamaya ay narinig ni Yssabelle na wika ng pamilyar na boses. Napatingin siya sa kanyang gilid para tingnan kung sino ang nagsalita. At agad niyang nakita si Lola Mary na nag-aalalang nakatingin sa kanya. "L-lola Mary?" sambit niya sa pangalan nito. "Are you okay, Yssa?" tanong nito, mababakas sa boses nito ang pag-aalala. Tumango siya bilang sagot. "Nasaan po tayo? Ano po nangyari?" naguguluhan naman na tanong niya. "Nasa ospital tayo, Yssa. Dinala ka namin dito ni Trent noong mahimatay ka," imporma nito sa kanya. Napakurap-kurap si Yssabelle sa narinig na sinabi

