Nasa ICT room kami ni Mateo ngayon habang nagpi-print ng mga projects. Nitong mga nakaraang araw at hanggang ngayon ay marami na ang pinapagawa sa amin. Malapit na naman kasi ang Midterm exam para sa Second semester. "Updated pa ba ako?" biglang tanong sakin ni Mat. Nakaupo ako sa harap ng computer habang siya ay nasa printer at hinihintay na lumabas ang bond paper na may print na. "Oo naman, kaka-kwento ko lang sayo no'ng isang araw, ha." sabi ko habang nasa screen ng computer ang tingin ko. "Seryoso ka na ba? I mean, paano kung magkagusto ka sa kanya?" sa huli niyang sinabi ay natapingin ako sa kanya. "Hindi malabong manyari 'yon, Mat. Lets face the reality." "So, akala ko ba may plano? Nasaan na? Tuluyan na bang tinangay ng hangin?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang

