Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong humiga sa malambot kong kama. I never thought that this sem was a huge tiring day. Napabalikwas ako nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at nakita kong tumatawag si Mateo. Sinagot ko naman ito. "Hello, Mat?" paunang sabi ko sa kabilang linya. "Hello, I'm sorry kanina," aniya. "It's okay, may point ka naman. Ayos ka na ba? Yung sugat mo?" "Ayos na, hindi naman gaanong masakit. Kamusta na yung mga ginagawa nating projects?" Napaisip muna ako kung sasabihin ko ba ang totoong nangyari o hindi? Pero mas mabuti na sigurong sabihin ko para matulungan niya ako. "Mat, we have a problem. About doon sa mga projects na ginagawa natin." "What is it?" "No'ng umalis ka ay umalis din si Ma'am non pagkatapos ay dumating si Keila. Sinabihan ako ng kung ano-an

