TULALA at parang nakakita ng multo si Edward nang bumungad ang mukha ng dating nobya pagbukas ng pinto. Sa kanyang pagkakatanda, ang usapan nila ay magse-set pa lang siya kung saan at kelan sila magkikita nito. Walang matandaan ang binata na sinabi niya ang address dito. “France? Anong ginagawa mo dito?” gulat pa rin na tanong niya. Gumuhit ang ngiti sa mukha nito. Tila masaya ang babae na makita siyang muli. Nagulat na lang si Edward nang bigla itong yumakap sa kanya. “I missed you, love… I missed you. I’m sorry kung pumunta ako ng walang pasabi. Hindi na kasi ako makapaghintay na makita ka.” “Look France… I have a girlfriend. And she’s—” Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil biglang lumabas ng kuwarto si Musika at iyo

