“TAPATIN mo nga ako, may nangyari ba sa inyong dalawa ni Edward?” Nanlalaki ang mga mata at mabilis lumingon si Musika kay Ric. “Wala ah!” mabilis din sagot niya. “Hindi kayo nag-away?” Tinago niya ang matinding kaba sa likod ng ngiti pero ang totoo ay bigla siyang pinawisan ng malamig. “Eh bakit parang ilang araw na kayong hindi nagpapansinan?” Tumikhim siya sabay iwas ng tingin. “B-Busy lang ako sa iba pang kaso na hawak ko,” pagdadahilan niya. Tumango-tango ang kaibigan habang ngingiti-ngiti. Kumunot ang noo niya. “Bakit ba ganyan ang mukha mo? Wala nga sabi!” giit ni Musika. “Oo nga, wala nga! Ang defensive mo,” natatawang sagot ni Ric. “Eh ikaw eh

