CHAPTER SIXTY EIGHT MALAMBOT na kama. Malambot na unan. Makapal na kumot sa loob ng napakalamig na kwarto. Tahimik at payapa. Kanina pa rin ako nakatingin sa orasang nasabit sa pader. Higit sampong oras din akong nakatulog subalit bakas pa rin sa aking mga mata ang tila pamamaga nito dahil sa binuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko, galit ko, pagkainis ko kay Grevan. Hinding hindi niya ako pipiliin dahil sa una’t sapol pa lamang hindi naman niya ako talaga mahal. Ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Ako lang itong totoong nagpapakatanga sa kaniya. Hindi ko na siya gustong isipin talaga ngayon. Ipinangako ko sa sarili ko nang maubos ko ang aking mga luha kagabi na iyon na ang huling beses na masasaktan ako ng dahil sa kaniya. Sinabi ko na sa kaniyang tapos na ako at hinding hindi n

