Pagkapasok ni Anna at Dimitri, sa loob ng kwarto, ay pinaupo naman kaagad ni Dimitri sa kama si Anna. Nakatitig lang si Dimitri dito. Si Diesel naman ay pumasok din kahit walang paalam, dahil tulog na tulog na si Lucci. Nang maibaba si Lucci sa kama at naayos na ang higa nito ay muling binalingan ni Dimitri si Anna. Maaliwalas ang mukha nito hindi naman takot at hindi din galit. Nakapagtataka lang bakit ganoon ang sinabi nito kay Lucas. Si Diesel naman ay malungkot na nakatingin kay Anna, hindi niya akalain na hindi pa rin pala talaga nito kayang patawarin si Lucas. "Love. Hindi mo pa rin ba kayang magpatawad? Paano gagaan iyang kalooban mo? Nakita mo ba ang saya sa mukha ni Lucci? Nagawa na rin niyang magsalita ng dalawang pantig ng makita ang kanyang ama." Mahinahong wika ni Dimitri n

