Confirm mr.cooper sya si yumi anderson orquilos ang apo ng yumao mong kumpadre..
Ani ng private detective na inutusan nya para mag imbistiga sa apo ng kumpare nya na nawawala akala nya ay patay na ito pero buhay na buhay pala at asawa pa ng kanyang apo..
tadhana na ang nag lapit sakanya sa taong matagal na nyang hinahanap akala nya ay kakamatayan na nya ang pag hahanap sa kaisa isang taga pag mana ng kanyang kumpadre..
Si zaira ay si yumi ang matagal na nyang hinahanap..simula ng makita nya na ito ay nag karoon na sya ng hinala na may koneksyon ito sa anak ng kanyang kumpadre kamukhang kamukha kasi nito ni neomy ang ina ni zaira ang kanyang inaanak..halos walang pinag kaiba ang dalawa xerox copy talaga..
Kaya pina imbistigahan nya ito at sa loob ng tatlong bwuan ay meron ng malinaw na pag kakakilanlan sa totoong apo ni leonel ang kanyang yumaong kumpadre..
At walang duda iyon ay si zaira..
Natuwa sya sa binalita ng private detective..ngayon ay matutuldukan na ang pag hahanap nya sa apo ng kanyang kumpadre.
Mag da Dalawang dekada na ang nakararaan..
Sakanya iniwan ang pinaka malaking kumpanya ng yumaong kumpare ang napaka laking kumpanya nito hindi lang sa pilipinas kundi sa buong mundo.
kung nasaan sya ngayon ay yun ay dahil sakanyang kumpareng si leonel anderson..dati ay kanan kamay lamang sya nito pero nung yumao ito ay nagulat sya na lahat ng ari arian nito ay pina autorized nito sakanya na pamahalaan nya at pag yamanin..hindi naman nya ito nabigo dahil hindi nya lang basta napalago ang negosyo nakilala pa ito sa ibat ibang panig ng bansa..
Isa ang kanilang kumpanya sa pinaka malago at matagumpay na negosyo sa buong mundo..
Oo at napalago niya ito sa matagal na panahon nyang pamamalakad dito pero kailangan nya parin ibigay ang nararapat para sa totoong nag ma may ari ng kumpanya
Aayusin nya na ang lahat upang mailipat sa pangalan ni zaira ang lahat ng ari arian na pag mamay ari ng yuamo nitong lolo..ito ang higit na may karapatan sa mga kayamanan na tinatamasa nila..
Matagal ng patay ang ama at ina ni yumi lulan itong ng eroplano at aksidenteng nag crushed yun..samantalang ang ama ni neomi na kanyang kumpadre ay pumanaw isang taon matapos mamatay ang anak..namatay ang kanyang kumpadre sa heart failure..
Sya ang naging kanan kamay nito sa negosyo kaya ng basahin ang last will nito ay nagulat sya sa kabutihan ginawa ni kumpadre nya inayos nito ang buhay nya bago nawala..tanging hiling lang nito na hanapin ang nawawalang apo..
Ngayon ay mapapanatag na siya..sa wakas nahanap na niya si yumi na si zaira pala..
Maraming salamat sayo detective napaka husay mong talaga--cooper
Kung wala ho kayong idea hindi ko ho alam kung saan ako mag sisimula napaka laking clue ang binigay mo saakin detalye..--detective lazaro
Ngayon ay sobrang saya nya..sa makalawa ay magiging busy sila..aalis sila ng kanyang asawa papuntang france at sila hiller naman ay pupuntang austrilia at canada para sa mga aayusin tungkol sakanilang negosyo..
ngunit sa pag babalik niya ay i rereveal nya na ang matagal na tinatagong sekreto ipakikilala nya na si yumi sa lahat..walang ibang nakakaalam ng tungkol sa totoong nag mamay ari ng kumpanya nila..
Tanging ang abogado lang nila ang nakaka alam at sya..
sa ngayon ay ga graduate na ang kanyang apo na si skyller at ipapa ubaya nya na dito ang ilan negosyo dito sa pilipinas..alam niyang kahit maloko ang apo nya ay may angking talino ito kaya alam nyang hindi sila bibiguin ng kaisa isang apo..alam nya na magiging mahusay ito sa larangan ng pag nenegosyo tulad ng ama nito at syempre katulad nya..
____
Tatlong araw na lang ay ga graduate na si skyller kaya super busy talaga ang kanyang asawa..umuuwi na ito sakanilang bahay pero ganun parin ang style nila..
Mistulan parin syang walang kwenta para dito..oo nga at bihira na syang saktan nito pisikal pero pag dating sa emosyonal ay sobra parin ang pananakit nito sakanya..para lang syang hangin para dito. Kausapin man sya nito ay laging pasigaw at pa utos lamang..puro pa pam babae..
Katulad kagabe may kasama ito na babae dinala pa sa kwarto nito kaya eto sya magang maga na ang mata..pero ayos lang yun sakanya naka sanayan na lang nya ang pag iyak gabi gabi dahil sa lupit ng kanyang asawa..
Kasalukuyan syang nanonood ng t.v walang pasok ng araw na yun..tiningnan nya ang wall clock mag aalasingko pa lang..
Tumayo sya at nag handa para mag luto ng pag kain ng asawa minsan kumakain ito madalas hindi pero okay lang atleast nakikita nito ang effort nya..minsan kasi ay nag hahanap din ito ng pag kain kaya naka sanayan nya na ang mag luto..
Natapos na nya ang pag luluto..mamaya na sya mag luluto ng sardinas nya yun nalang kasi ang natitirang stock nya hindi pa sya binibigyan ni skyller ng pera i ta try nya mang hingi mamaya pag maganda ang mood nito..
Alas otso ng maramdaman nya ang sasakyan nito. Dali dali syang lumabas ng kanyang maliit na lunga para salubungin ito..
Umupo ito sa sofa at pinatong sa lamesa ang mga paa naka sandal ito sa sofa habang naka tingala sa kisame..doon ay malaya nya nanaman natitigan ang gwapong mukha ng asawa mukhang pagod na pagod ito..
What thats stare??---skyller
Namula ang kanyang mukha dahil nahuli sya nitong titig na titig sa asawa..
Ahmmm sky kumain kana mukhang pagod na pagod ka today kain ka muna para maka pag pahinga nag luto ako ng favorite mo..--zaira
Nilapitan nya ito yumuko sya at tinangal ang mga sapatos nito at linagyan ng tsinelas ang mapuputing paa nito.
Tumayo ito at pumunta sa dining area inihanda na nya ang kakainin nito sinulyap sulyapan nya ito habang tahimik na kumakain.
Pumunta na din sya sa dirty kitchen para kumain ng pag kain nya..nag bukas lamang sya ng sardinas at kumuha ng kanin..tanaw nya parin ito mula sa dirty kitchen na pangiti sya mukhang nagustuhan naman nito ang luto nya..napapadalas na kasi ang pag kain nito sa mga niluluto nya..
Sinimulan nya na din ang pag subo.
Halika dito---skyller
Nagulat sya ng mag salita ito dali dali syang lumapit baka my ipag uutos kumpleto naman ang hapag ano kayang iuutos sakanya..
Sorry sky nagutom na din kasi ako my kailangan ka ba??--zaira
Sabayan mo ko kumain--skyller
Hindi ito nakatingin sakanya ng sinabi nito yun sakanya..
Ha???!!--zaira
Tiningnan sya nito kaya dali dali nyang kinuha ang plato nya at mabilis na umupo sa gilid nito..baka mag bago pa ang isip..naka tagilid ito sakanya..
Tahimik din sya kumain..
Nagulat sya ng naka tingin lang ito sa pag kain nya..
Gusto mo ba??-zaira
nakatingin ito sa pag kain nya at bumuntong hininga..
Pwede ka ng kumain ng nasa hapag wag ka ng mag paawa saakin at hindi ako naawa naiinis ako sa pag papapansin mo--skyller
At sumubo na ito..
Salamat sky--zaira
Ngumiti na lamang sya at kumuha ng hipon at kaldereta namiss nya na din kumain ng masarap..isa pa napaka saya nya dahil kasabay nya si skyller
Maganda ang mood nito ngayon sana tuloy tuloy na..
Anong nginingiti mo dyan??-skyller
Wala sky masaya lang ako at ok na tayo--zaira
Sinong may sabi na ok na tayo??may gusto lang akong sabihin sayo--skyller
Natahimik sya sa sinabi nito...kinabahan sya..
Ano yun??--zaira
Hindi na ako uuwi dito..pero hindi ko pa rin kukuhain mga gamit ko dito..dahil saakin ang bahay na to..uuwi ako kung kelan ko gusto..mag tatrabaho na ako sa company ni lolo at mag fa file na ako sayo ng annulment pwede kapa din mag stay dito hangang maka tapos ka pero yun ay kung matigas yang mukha mo---skyller
Parang may sumasaksak sa dibdib nya ng marinig nya ang sinabi na yun ni skyller
Skyyy--wag mo ko iwan--zaira
Sunod sunod ang agos ng luha nya..hindi pa man ginagawa ni skyller pero bakit an sakit sakit na..isipin pa lang na hindi na nya ito makikita..lalo na sa school mawawala na ito pati ba naman sa bahay nila at ang pinaka masakit yun annulment pati sa buhay nya mawawala na ang asawa..
Tumigil kana hindi pa ba sapat sayo ang tatlong bwuan na maging asawa ako??--skyller
Sky gusto ko habang buhay kitang makasama..please sky ayusin na natin ito bigyan mo naman ako ng chance na mahalin ako uli--zaira
Tang ina mo sino may sabi na minahal kita--skyller
Napa hagulgol sya ng hampasin nito ang lamesa..natatakot nanaman sya..
Sky please wag mo ko iwan..sorry na patawarin mo na ako maawa ka naman saakin oh please wala akong ibang pupuntahan eh ikaw nalang pamilya ko--zaira
Parang paulit ulit na sinasaksak ang dibdib nya sa mga oras na yun..kung kailangan nya mag maka awa gagawin nya wag lang sya iwan ng asawa..
Putang ina bitawan mo ko!!umalis ka sa harapan ko!!--skyller
Galit na sigaw nito..hindi nya namalayan na hawak na nya ang kamay nito at yinayakap nya na pala ito..
Sky bigyan mo naman ako ng chance sige na..lahat gagawin ko wag mo lang ako iwan..an sakit sakit na..huhuhu
Halos lumuhod na sya dito..nag halo na ang sipon at luha nya..hirap na din syang huminga umaasa sya na kahit awa lang ay maawa sakanya si skyller. pero malakas syang itinulak nito..
Nakikita mo ba sarili mo??ano sa tingin mo nababagay ka talaga saakin?nag sisisi ko na pumasok ako sa buhay mo tang ina ka nag sisisi ako na nakilala kita nakaka diri ka!!--skyller
Sky please--maawa kana mahal na mahal kita eh..mahal na mahal kita kahit paulit ulit na lang yung sakit--zaira
Oh nasasaktan kana pala bakit pinag pipilitan mo pa..alam mo yun tanga doble ka pa dun pangit kana jologs kapa tanga pa hindi ako maawa sayo!?--skyller
Alam ko naman yun eh..pero Kasi dito ko masaya iba yung pakiramdam ko pag nakikita kita masayang masaya ako twing kinakausap mo ako kahit lagi kang galit..makita lang kita kumpleto na..--zaira
Tsk!baliw kana!Makasarili ka pa alam mo ba yun??hindi mo mababago isip ko!!mas gugustuhin ko pang mamatay kesa makasama ka!!--skyller
Napapikit na lamang sya ng isigaw nito yun..Naiwan syang umiiyak..sobrang sakit na ng nararamdaman nya..napa hawak sya sa dibdib nya kumikirot kasi yun..tahimik na lamang sya umiyak habang naka tulala parang sasabog na ang isip at puso nya!!
Bakit mahal ko!mahal na mahal kita pero hindi mo yun makita..bakit hindi mo ako kayang ibigin?bakit mahirap sayo na bigyan ako ng kahit konting pag tingin--ubos na ubos na ko..hindi ko alam kung kaya ko pa--isip