Kill's POV "Loko loko din pala si Abby." natatawang sabi ni Lexie. Hindi lang sya ang tumatawa sa mga kasamahan namin pagkatapos kong ikwento sa kanila ang nangyari kanina. "Sinabi mo pa, kailan ba ang kasal Kill?" sinamaan ko ng tingin si Noimi pero tumawa lang silang lahat. Bwisit sila. Sa tingin ba nila nakakatuwa yung ginawa ni Abby? pinahiya nya ako. Tumigil din sila sa pag-aasar sakin at kanya kanya na ulit sila sa pag-uusap pero yung dalawa, pinag-usapan pa ako. "Alam mo may naaamoy akong jelly jelly." nagtaka akong tumingin kay Shiela. Hindi ko naintindihan ang sinabi nya. "May mac-mac pa nga eh!" natatawang sabi ni Noimi tapos nag apir silang dalawa ni Shiela. Napairap ako dahil para silang baliw na sila lang nakakaintindi ng sinasabi nila. "Pero seryoso na tayo. Kill, may p

