Ashley's POV "Ashley, ikaw na ang sumama kay lolo magregister sa Cup." tumigil ako sa pagshoot at tumingin kay Kill. "Bakit ako? Diba ikaw ang captain?" alam ko naman ang dahilan kung bakit ako ang gusto nya pasamahin kay lolo, gusto ko lang malaman sa mismong bibig nya. "Wala kang kwenta." natawa ako. "Grabe ka! Nagtatanong lang eh." walang kwenta agad? pambihira. "Kung ayaw mo edi di wag." sabi nya at lumapit kay Dom. Ang dali nyang magbago ng isip pero hayaan ko na si Dom ang sumama kay Lolo ayoko muna makita ang mga yon. Mas exciting kapag sa ceremony ng Cup kami magkita kita, lalo na kapag nakita nila si Kill mas exciting yon. Hindi na ako makapaghintay. "Para kang baliw na nakangiti dyan." tumingin ako kay Maki. "Ang ganda ko namang baliw." ngising sabi ko. "Ehem! Nagjoke sya

