Dom's POV "Kill!!" tawag ko sa kanya tapos lumingon naman sya. Napangiwi ako dahil hanggang ngayon hindi pa din ako sanay na ganon talaga syang tumingin. Yung tingin na walang kabuhay buhay. Hanggang kailan ba sya ganyan? Hindi ba uso sa kanya ang past is past? Tinalikuran nya ako at nagpatuloy sa paglalakad. Paano kaya kami makakabuo ng team kung puro sya ganyan? Isang taon na pero kaming dalawa pa din ang magkateam. Napabuntong hininga na lang ako. Nakilala ko si Kill nung nakita ko sya na naglalaro mag-isa ng baskteball. Nung una natatakot akong lapitan sya dahil grabe naman kasi yung aura nya, titignan ka lang nya parang nakakamatay na tapos tipid pa sya magsalita. Yung pangalawa namin pagkikita, nagulat ako ng lapitan nya ako at sinabi na sumali daw ako sa team nya. Akala ko may te

