Scarlette's POV "Nasaan si Avey, Kuya?" tanong ko. Hindi ko kasi makita si Avey. "Ayan ah." sabay turo kay Abby, natawa ako pati na din si Tairon. "What's funny?" "Ikaw" sabay na sabi namin ni Tairon. Kumunot ang noo ni Kuya Kyle. "Hindi sya si Avey. Halatang walang alam." sabi ni Tristan. Hindi na nya ako hinayaang tawagin syang kuya dahil isang taon lang naman ang pagitan at nakasanayan na namin na ganon lang ang tawag ko sa kanya. "Huh?" naguguluhan na sabi ni Kuya Kyle. "Hindi ako si Avey. Kakambal nya ako. Ako si Abby." sabi ni Abby, Tumingin ako kay Kill, napangiti ako nang makita ko sa mukha nya ang pagkadismaya. Alam kong may feelings pa din si Kill kay Avey. "Oh? Sorry late update." napakamot si Kuya Kyle. "Puro ka kasi Ate Ali." sabi ni Tairon. "Ano meron kay Ali?" tanon

