Kill's POV Dumilat ako pero napapikit din dahil kumirot ng konti ang ulo ko. Konti lang ang ininom ko kagabi pero sumakit pa din ang ulo ko. Tumingin ako sa katabi ko na ang himbing ng tulog. Hinawakan ko ang pisngi nya at ngumiti. Bumaba ang tingin ko sa katawan nya. Exposed ang dibdib nya kaya agad akong napaiwas ng tingin at inangat ang kumot. Inabot ko ang tshirt sa ibaba ng higaan at isinuot. Bumaba ako ng higaan at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo, tulog pa din sya. Nagbihis ako ng simpleng damit. Lumapit ulit ako kay Avey pagkatapos kong magbihis. Naupo ako sa higaan at tinignan sya. "Siguradong sasakit din ang ulo mo pagkagising mo." sabi ko. Pagkatapos ng make-out namin kagabi, ang dami nyang nainom dahil sinabayan nya sila Scarlette na nagwalwal talaga kag

