Chapter 3

1157 Words
Chapter 3 Apple Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ko sa salamin ng naka park na kotse dito sa tabi ng gate nila clarise. Nang sabihin ko ang address na nakalagay sa invitation dito ako binaba ng taxi driver, Mukang ito nga iyon dahil napakaraming kotse dito sa labas tapos ang ingay sa loob at napakaraming ilaw. Nahaharangan ng napaka laking gate ang marangya at malaking bahay nila clarise, Pero kahit nandito ako sa labas ay kitang kita ko kung gaano iyon kaganda. Buhay prinsesa talaga siya, Yung mga ganitong klase ng bahay pangarap lang namin ng mga kapatid ko. Yung para bang kastilyo na sa laki tapos sa hitna may chandelier at kulay grand staircase. Kaya nga hindi ako tumitigil sa pag susumikap na maka pag tapos kasi gusto kong tuparin yung pangarap na yon namin ng mga kapatid ko, Impossible pero kung bibigyan mo ng Effort at lakas magiging possible. Napabuga ako ng hangin at pasimpleng binaba ang bestida ko ng mapansin na tumataas iyon, Bigay lang sa akin ito ni red. Mahikli dahil mahilig si red sa mga pasexy na damit. Halos lumuwa na nga ang dibdib ko dito at hapit na hapit ang katawan ko pero...bilin nga ni tita na maging presintable dahil bigatin ang mga aattend sa party na ito. Napababa ang tingin ko sa mga paa ko ng maramdaman ko ang pagka ngawit dahil sa taas ng takong na suot ko, Bigay naman ito sa akin ni Ma'am braze. Ayoko nga sanang tanggapin kasi mamahalin ito pero mapilit si Maam, Dadagdagan pa nga niya ng damit pero sinabi ko na lang na naunang bigyan ako ni Red habang si Danica naman itong kumikinang na kwintas ang pinahiram sa akin. Narinig kasi ni red yung sinabi sa akin ni tita at hindi iyon nagustuhan ng mga kaibigan ko kaya para daw makaganti dapat daw ay kabugin ko yung birthday celebrant. A-Ayoko namang gawin yon kaya dapat ay bawasan ko ang ayos ko. Luminga linga ako ng tingin sa paligid bago muling bumalik ang tingin ko sa salamin ng kulay itim na sports car sa harapan ko. Walang tao kaya safe ako dito sa gagawin ko, Kung umasta ako ay parang isang mag nanakaw na takot mabisto. Bahagya kong dinilaan ang namumula kong labi bago ko inayos ang pagkaka taas ng dibdib ko, Para kasing tabingi yung foam? Urgh bakit ba kasi may mga pinag pala pag dating sa size ng dibdib?! Pero sabagay...hindi mo naman magagamit ang dibdib mo sa pag iisip kaya bakit kailangan mo ng malaking hinaharap kung pwede mo namang hilingin na magkaroon ng matabNg utak? Napanguso ako sa pagka inis bago dumukwang upang mas malapitan kong makitang ang muka ko, Kinalas ko ang pagkaka bun ng buhok ko atsaka ito ginulo. Mas okay na yung medyo messy para bumagay sa pulang Bistida, Pakiramdam ko din kasi ay malaki ang muka ko dahil sa pagkaka bun ng buhok ko. Matapos kong masiguro na bagay na ang buhok ko sa damit ay muli kong dinilaan ang labi ko para matanggal ang iba pang lipstick. Tinadtad ito ni Red ng Red matte lipstick kanina, Nangangapal na at namamanhid na ito pero hindi parin tinigilan ng kaibigan ko. Matapos kong mabawasan ang kolorete sa labi ay bumaba naman ang pagkaka haplos ko sa makurba kong bewang, Galing pa sa boutique itong pampatambok na gamit gamit ko. Bigay ni Ma'am sa akin dahil alam nilang hindi lang ako kinulang sa dibdib, Alam nilang kinulang din sko sa pwetan. Nang masiguro kong maayos na ako ay napatingin ako sa malaking gate at akmang lalakad na paalis ng maramdaman ko na parang may naka titig sa akin. Ang weird dahil ako lang naman ang tao dito...Pasimple ko pang pinagmasdan ang paligid ko at kumunot ang noo ng mapansing wala namang ibang tao bukod sa akin. Muli akong mapasulyap sa kotseng ginawa ko ng salamin, Sorry talaga sa may ari ng kotse na yan. Kaganda ganda at kagara ng kotse prro ginawa ko lang na salamin, Nakatulong naman siya sa akin kahit na nakapark lang ang kotse niya. Pinalis ko na lang ang pakiramdam na parang may nakatinhin sa akin, Dahan dahan at puno ng ingat akong nag lakad papalapit sa gate at kumatok doon ng tatlong beses. Ngayon lang ako makatapak sa ganito kalaking bahay, Meroong mayayaman sa Probinsya pero iba ang bahay na ito nila clarise. Ang balita ko kaya ganito siya kayaman ay dahil may ari ng kompanya ang ama niya. Ang swerte talaga ng ibang tao.! "Good evening ma'am, Where's your invitation?" Nang bumuks ang gate ay sumalubong sa akin ang Isang lalaki na nakasuot ng formal na damit. Hinahanap niya yung invitation na binigay sa akin ni tita kanina? Nag mamadali kong kinuha sa bag ko ang maliit na papel at nagka nginig nginig na inabot sa lalaki. "Come in." Asik nito na may ngiti sa labi bagi ako minustrahan na pumasok na sa loob. Wow! Hindi ako makapaniwala sa ganda ng nakikita ko. Napakalakas ng music pero hindi iyon nakakabingi, Puno ng mga ilaw ang paligid may mga bulaklak at may mga taong nakasuot ng magagandang damit. Nanaginip ba ako? Hindi ako makapaniwala. Parang dati iniimagine ko lang kung aning klase ng party ang meroon ang mayayaman tapos heto at mararanasan ko pa. Kung nandito lang talaga sila mamang at tatang paniguradong mas masaya! Tinago ko ang excitement at saya para naman hindi nila sabihin na first time ko sa ganitong klase ng Party. Palinga linga ako sa malawak na paligid hangang sa matigil ang tingin ko sa swimming pool na nasa hindi kalayuan, Napaka laki ng swimming pool at konti lang ang nasa gawing iyon. Hala, Pag kinuwento ko ito sa mga kapatid ko paniguradong matutuwa ang mga yon. Gusto pa naman nila ng bahay na may swimming pool. "Hey apple!" Nilingon ko kung sino ang timawag sa akin at hindi ko maiwasang mamangha ng bumungad sa akin ang Isang napaka gandang prinsesa. Suot nito yung dress na binili sa boutique ni Ma'am kanina at mas nakadagdag pa sa itsura niya yung suot niyang mga alahas. Para siyang kalangitan na napapaligiran ng mga bituin, clarise is fabulously beautiful with her classic outfit. "Happy birthday!" Masaya kong bati sa kaklase ko at akmang ilalabas na ang regalo ng pigilan niya ako at napaarko ang baging ahit niyang kilay. Ano namang problema? Ayaw ba niyang makatangap ng regako sa akin? Ang tagal kong pinag isipan ng ireregalo sa kanya, Hinawakan ni Clarise ang kamay ko at kahit parehas kaming naka takong ay basta na lang akong hinila ng babae palaput sa swimming pool. "I'm waiting for you for almost 20 minutes, Bakit ang tagal mo?" Maarteng litanya ni Clarise ng tumugil kami sa isang kumpol ng mga babae. Hindi ako pwedeng magkamali, Itong mga babae na ito...mga kaklase ko sila! pero bakit ang sabi ni clarise ay wala naman siyang ininvite na kaklase namin?! Napakunot ang noo ko ng mag bulungan ang mga kaklase namin bago ako mataray na tinitigan ni clarise. "Wala kaming clown na narentahan kaya we want you to make us laugh." Pag sisimula ng kaklase ko na ikina windang ko. I-Inimbitahan niya ako para gawing clown?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD