"Handa ko siyang ipaglaban ng p*****n, tatandaan mo rin 'yan!" nanlilisik ang mga matang pahayag ni Spartan habang mahigpit na nakahawak sa kwelyo ng suot na polo shirt ni Samson. Hindi makapaniwala si Delilah sa narinig mula sa nakilalang lalaki na may pusong mamon. Nasanay kasi siya na kalmado, masayahin, malambing at may pagkaiyakin pa nga ito kaya nabigla siya sa akto nitong palaban at bayolente. Batid man niya na sumailalim ito sa pagsasanay bilang aswang hunter, hindi pa rin niya inaasahan na may potensyal pala itong maging delikado kapag nasagad na ang pagtitimpi. "Spartan, itigil niyo na 'yan! Huwag na kayong mag-away!" nanunuyo ang lalamunan na pag-awat niya upang maiwasan na maging mas marahas pa ang alitan ng dalawang lalaki na parehong may gusto sa kanya. Ang pagkakaiba nga

