"Sir, pwede ba na mahiram muna ang cellphone ko? May tatawagan lang, please," pakikiusap ni Spartan sa napadaang pulis. "Isa lang po, kailangang-kailangan ko lang ng tulong mula sa probinsya." "Hindi pwede," pagtanggi nito. "Ipinagbabawal 'yun." "Sige na po, kahit saglit lang," panunubok pa rin niyang mapakiusapan ang lalaki. "Kahit bantayan niyo pa po ako. Kailangan ko lang makausap ang pinsan ko. Mag-isa lang po kasi ako sa Tuk-O kaya walang magpipiyansa sa akin." Naawa na rin ang pulis dahil halos kaedaran niya ang anak na lalaki. Naisip nito na tulungan na nga siya tutal naman ay maayos at magalang siyang nakiusap, hindi katulad ng ibang nadakip na defensive at may pagkabayolente pa. Nagtungo ito sa silid kung saan nakatago ang cellphones at iba pang mga gamit ng mga naaresto. Kinuh

