Rizal period nanaman nila at ngayon ay puro pagpaplano na lang sa nalalapit nilang play ang inaatupag nila. Bumaba lang saglit si Mam Kevina dahil may inayos sa office. "Anong magandang eksena ni Ibarra saka ni Maria Clara?" Sabi ni Jing na ang buong klase ang tinatanong. Nakatayo sila ni Mitzie at ni Nora, na siyang direktor nila para sa play na iyon. Hindi daw kasi kakayanin sa oras nila na ang buong libro ang mapresent nila kaya nan pipili lang daw sila ng mga eksena na sa tignin nila ay pinaka importante sa kwento. Dalawa kasi ang pinakaeksena na magkasama si Ibarra at si Maria Clara. Pareho na nasa balkonahe ang mga eksena na madrama. Pareho din na madrama pero at least yung isa hindi nila kailangan umiyak. "Friend maganda nga iyon eh, madrama." Sabi naman ni Mitzie kay Jing. Naka

