Chapter 16

1654 Words
Sembreak na! Yehey! Pero ayun nga, may pasok man o wala ay maaga nagigising si Julie. At this morning parang feel niya magjogging nanaman. Gusto din sana niya mag-gym kagaya nung ginawa nila dati ni Elmo pero kasi ayaw niya pumunta doon ng mag-isa. So she settled for just jogging. "Morning baby girl." "Morning kuya!" Bati ni Julie at tumabi pa kay Kuya Christian. "Diba first day ng sembreak niyo? Aga mo naman nagising?" Pagpuna ni Christian habang umiinom sa isang tasa ng kape. "Di ka na nasanay sa akin kuya. Body clock ko kasi ganito na talaga." Julie replied. At the same time naman pumasok sa loob ng kitchen ang dad nila. "Good morning kids." Sabi ni Kent. Lumapit siya kay Julie at hinalikan ito sa noo habang tinapik naman niya ang likod ng panganay na anak. "Julie Anne, aga mo ata nagising ngayon?" Kent asked his youngest. "Diba semester break niyo ngayon?" Bakit ganon? Mas gusto ata ng tao dito sa bahay na matulog na lang siya? "Nagising po ako eh..." Julie answered. Gumawa naman siya ng sarili niyang cup ng kape at dahan dahan itong ininom. "Magjogging lang din po ako muna this morning." Sabi naman niya. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang Papa at Kuya niya at dumeretso na sa labas. And like always, she did her warm up exercises first before going straight to jogging around the neighborhood.  Ang sarap ng hangin! Sarap tumakbo. Enjoy na enjoy na siya sa mga iba't ibang sights na nakikita. Binabati pa siya ng iba nilang neighbor at masaya naman niyang kinakawayan ang mga ito. Nakaisang paikot na siya sa isang street at enjoy na enjoy na niya ang pagtugtog ng Bang Bang sa kanyang Ipod nang mapatalon siya nang may kumiliti sa tagiliran niya. She just caught herself from cursing when she removed her earphones and looked to her side to see a smiling Ate Maxx. "Ate Maxx!" She greeted happily. Halos pareho lang din sila ng get up ng ate ng kanyang well, crush. "Buti ate nakapagjogging ka ngayon?" Julie said. Alam niya kasi na mahirap din ang sched ni Maxx sa office kaya naman natuwa siyang makita na nagjojogging ito ngayong umaga. "Oo nga eh. Puro na lang ako sa office. Nawawala na figure ko." Sagot naman ni Maxx habang nag brisk walking muna sila ni Julie. "Hala, nawawalan ng figure? Eh ang sexy mo nga ate eh!" Sabi naman ni Julie. Mahinang natawa lang si Maxx bago yinakap ang nakababatang babae at hinalikan pa ito sa may sentido. "Ang sweet mo talagang bata ka. Sana talaga baby sister kita eh." "Pwede naman po ate, kahit kunwari lang." Nakangiting sabi ni Julie bago ibalik ang yakap sa kanya ni Ate Maxx. "Pero alam mo may isa pa paraan para maging sister kita..." Napatingin naman si Julie sa kasama. Isa pang paraan? Pano? Papa-ampon siya? "Ano po iyon ate?" Nakangising tumingin muna si Maxx sa kanya bago ito sumagot. "Kapag naging bride ka na ni Elmo..." "Hala naman ate!" "Hahaha! I love your reaction Julie." Humagalpak ng tawa si Maxx. "Eh bakit ba, gusto ko kayo magkatuluyan ng baby brother ko eh." Julie sighed and shook her head. Here she was, trying to forget and possibly get rid of these feelings she had for Elmo and almost everyone reminded her about him. At dahil nakita ang reaksyon niya, sumeryoso din si Maxx. "Baby..." Paglalambing ni Maxx. "Hindi mo naman matatago but I know you like my brother." By this time, pinili na nila na maupo sa isang bench sa park na malapit lang sa bahay. Hindi na ata mawawalan ng buntong hininga si Julie. Dahil ayun nanaman ang ginawa niya pagkaupo nila. Aamin na ba siya? Hindi naman siguro siya bubukohin ni Ate Maxx. Dahil sabi nga nila, mas mahal siya ni Ate Maxx. "Ate wag niyo na lang po sabihin ah, pero... Yes I like Elmo." Mas malakas pa ata sa tilaok ng manok yung lumabas na tili galing kay Maxx. Buti naman naagapan ni Julie at kahit papaano ay na-mute niya ang bibig ni Ate Maxx sa pamamagitan ng pagtakip ng kamay sa labi nito. "Ate, kalma lang..." Nang maramdaman na kalmado na nga si Maxx ay dahan dahan na bumitaw si Julie. Nakangiti pa rin si Maxx kahit pa slight siyang nabusalan. Then she pulled Julie close and hugged her tight. "Nako sabi ko na Jules eh!" "P-pero, wag po kayo maingay ate ah..." "Hindi pa ba umaamin ang kapatid ko sayo?" Napatingin naman si Julie kay Maxene. "P-po? E wala naman aaminin sa akin yun eh." Pinanlakihan ni Maxx ng mata si Julie. "Baby naman... Anong wala?" "Kaibigan lang naman po tingin sa akin nun eh..." Julie said bashfully. "Sabi niya?" Well, Ayun ang pinaparating niya. Hindi siya sumagot at napakibit balikat na lang. "Mahirap po kasi magassume ate..." "Napakatorpe naman kasi nitong kapatid ko." Inis na sabi ni Maxx. "Wag na po natin isipin ate!" Nakangiting sabi ni Julie. Dahil sa totoo lang ayaw niya pagusapan ito. Tumayo siya at hinila patayo si Maxene para naman matuloy na nila ang kanilang pagjogging. Nakaikot na sila at lahat hanggang sa makabalik na silang dalawa sa may basketball court at di na nagulat nang makita na may nga naglalaro na doon, including Elmo. "Ayan na pala baby bro ko eh." Sabi ni Maxene nang tumayo silang dalawa ni Julie sa may gilid ng court. Along with Elmo was Derrick and a few younger and older guys playing five on five, using the whole court. "Nako mga pare panalo na sila Elmo nanjan na ang inspiration!" Sabi ni Harold at napatigil naman ang mga kalalakihan at tumingin sa direksyon nila Julie. "Mga sira ulo!" Sabi naman ni Elmo sa mga kalaro pero kumaway naman sa kapatid at kay Julie. Binalik naman ni Maxx yung kaway habang si Julie naman ay nagbigay ng maliit na ngiti bago sabay silang umupo sa isang bench sa tabi nung court. Nagsimula nanamn maglaro ang mga kalalakihan at talaga namang magaling gumalaw itong si Elmo Magalona. "Tingnan mo baby nagpapakitang gilas talaga si Mokong sayo eh." Sabi ni Maxx. Maikling napatawa naman si Julie at tumingin kay Maxx. "Hala ate hindi naman po, sayo yan nagpapakitang gilas para daw po dagdagan niyo allowance niya." "Hindi baby, tingnan mo lang ah, pagkashoot niyan titingin yan sayo." Julie doubted it but nonetheless looked on as Elmo and the others continued with the game. Si Elmo na ang may hawak ng bola at talaga naman kitang kita mo ang determination na nasa muhka niya habang inaalam ang susunod na gagawin. Pinasa niya ang bola sa kakampi sa may right side bago naman dumeretso sa kaliwang side at kaagad na pinabalik ang bola mula sa kakampi. And in one throw, a little further from the three point line, he made a shot and it went in in one delicate swish, he made the shot. "Whoo go Moks!" Cheer ni Ate Maxx. At dahil proud nga sa sarili niya, tumingin si Elmo sa direksyon nila Julie at kumaway ulit bago kumindat at saktong tinuro si Julie. Napatigil naman ang dalaga. Ay, ako talaga? O namalik-mata lang ako? Huwag assuming Julie Anne, diyan nagsisimula ang lahat. "Kita mo na baby!" Ate Maxx said proudly. "Haay nako, I really know ny brother..." Pero napailling na lamang si Julie. Panigurado naman kasi na si Maxene at hindi siya ang tinuro at kinibdatan ni Elmo Natapos ang laro at nanalo ang team nila Elmo. Panong hindi, e parang ganadong ganado ito magshoot. Lumapit naman na kaagad si Maxene at Julie kung nasaan si Elmo at ibang players na nagpupunas ng pawis. "Ang galing galing mo Mosey!" Masayang sabi ni Maxene. "Nice one mehn." Nakangiting sabi naman ni Julie. Dahil nga naman sa galing nito maglaro kanina. "Ayiie! Kinilig ba yan Jules!" Biglang singit naman ni Derrick. Nakikantiyaw naman ang iba pa na kalaro nila habang si Ate Maxx naman ay nandoon sa gilid at kinikilig na mag-isa. Julie shook her head. Nakahithit ata itong mga ito eh. Either acetone o katol, pili na lang. Si Elmo naman ay nanahimik lang sa gilid pero maliit na nakangiti. "Wala ka ba twalya Elmo Moses?" Bigla naman sabi ni Ate Maxx. Hindi kasi ito makapagpunas. "Wala eh." Sagot naman ni Elmo. At that moment hinubad nito ang suot na jersey at yun na lamang ang ginamit na pampunas ng pawis. Ay shet, ang ganda ng abs! Kaagad naman nagiwas ng tingin si Julie at kunwari na lang ay nagcheck ng cellphone. Mahirap na, baka mapansin ng iba na pinaglalawayan niya pandesal ni Elmo. Sabagay, di pa naman ako nagbreakfast--ay ano ba Julie! "Baby?" "Po?" Napatingin naman si Julie kay Ate Maxx na ankangiti ngayon sa kanya. "Sabi ko gusto mo ba kumain na lang ng lunch sa bahay, ipagluluto ko kayo ni Elmo ng Cordon Bleu." Nakangiti pa rin na sagot ni Maxene. "Freshen up lang muna tayo..." "Oo nga Jules, tapos tambay tayo sa kwarto..." Biglang yaya naman ni Elmo. Akmang aakbay ito kay Julie pero tumigil dahil naalaal niya na wala nga pala siya suot na pantaas. "SA KWARTO TALAGA MOE!?" Biglang sambit ni Gelo, isa pa nilang kasamahan. "Manahimik ka diyan Gelo kung ayaw mo masapak!" Kaagad na sabi ni Julie. Gelo immediately cowered in fear while the others simply laughed. "O ano edi natakot ka kay Jules!" Nginitian naman ni Elmo si Julie. "Ano Jules? First day ng sembreak tara! Tambay na lang tayo doon sa amin buong araw." Sino pa nga ba siya para umayaw diba? Aba nagyaya na crush niya na buong araw sila doon sa kanila. Tambay lang naman diba? Wala naman silang gagawing iba. "Sige..." =============== AN: I'm back! Sarap sa Subic mahangin :) Sorry po ngayon lang ulit nakapagupdate! :D pasensya na po sa typos! Comment or vote po XD they are always welcome and appreciated. Salamat po sa lahat ng nagababasa! Mwahugz! -BundokPuno <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD