Naalimpungatan si Julie nang marinig niya na may tumatawag sa telepono niya.
Shit, istorbo naman o, ngayon na nga lang nakatulog yung tao e.
Kahit na tinatamad ay nabuksan naman ni Julie ang kanyang mga mata at nakuha ang kanyang phone na nalulunod na sa ilalim ng mga kumot niya. Buti lang talaga hindi ito nasisira kapag nadadaganan niya.
When she finally did see where her phone was, it had already stopped ringing.
Pasta putanesca naman o.
Tiningnan niya ang caller ID at nakita na si Maqui yung tumatawag kanina. Ano naman kaya kailangan non? Tatawagan na ulit niya sana nang sunod sunod na katok ang bumulabog sa pinto niya at sa kanya.
"Pasok!" Sorry naman kung masungit siya e sa bagong gising siya eh.
"Girl, Maleficent lang ang peg? Makasinghal?"
Hindi naman niya pala kailangan pa tawagan ulit si Maqui dahil ayan nakatayo na sa harap niya. She buried her face under the covers.
Naramdaman naman niya na tumabi sa kama niya si Maqui at nakishare na din sa blankets.
"Maq wala ka ba sarili kwarto at dito ka pa talaga sa akin makikitulog." Julie grumbled.
Pero naramdaman niya na yinayakap naman siya ni Maqui from under the sheets. "Jules, panay ka na lang daw ang kain tulog, nagsusumbong na sa akin si manang. Okay ka lang ba?"
Hala. Muhkang nakakahalata na nga ang mga tao. Masyado na ba siya obvious? Hindi daw siya lumalabas ng kwarto. Eh paano kasi, kaya lang naman siya lumalabas dati kasi kung ano ano ginagawa nila ni Elmo. At kung hindi naman ay nagjojogging lang siya.
"Okay lang ako Maq. Wala lamg naman talaga ako magawa." She replied. Tutal ilang araw na lang naman until pasukan na ulit, at least may mapagtutuunan na siya ng pansin na iba.
"Is this about Elmo?" Biglang tanong naman sa kanya ni Maqui.
Napatingin siya sa katabi niya sa kama at nakitang seryoso itong nakatingin sa kanya.
She breathed in. "What about him?"
"I'm not blind Jules and so is Nico. We see that you have been spending less time with Elmo." Sabi naman ni Maqui na ngayon ay naka sit up na sa kama.
By this time magkatinginan lang sila ni Maqui.
Pero kaagad naman na nakasagot si Julie. "May liniligawan na kasi siya..."
Nakita ni Julie kung paano lumaki ang mga mata ni Maqui bago ito napabungisngis at tumawa.
Kumunot naman ang noo ni Julie habang tinitingnan ang kaibigan. Nang matapos na sa pagtawa si Maqui ay tumingin ito sa kanya.
"Teka seryoso ka?"
Julie rolled her eyes at that. "Naman Maq..." She breathed in. "Bakit naman ako magloloko sa ganong bagay?"
"I'm not saying na nagloloko ka pero kasi hindi ako naniniwala na may liniligawang iba si Elmo unless na lang ikaw yun!"
Napabuntong hininga nanaman si Julie sa sinabi ng kaibigan. "Hanggang ngayon ba ayan ang issue. He can like anyone!"
"But it doesn't make sense!" Maqui suddenly whined.
Bakit parang mas affected pa ito sa kanya?
"Nakita mo na yung babae? Mas maganda ba sayo?" Biglang tanong naman ni Maqui.
Julie scrunched up her face at that. "Sira, bakit ko naman titingnan kung mas maganda sa akin? And no, hindi ko pa nakikita yung girl." Wag na lang muna.
Hindi muna nagsalita si Maqui, tila nagiisip hanggang sa magsalita ito ulit.
"Oh e paano yan, araw araw mo pa rin makikita si Elmokong..."
Napagisipan naman na ni Julie yung issue na iyon eh. At alam na niya isasagot niya kay Maqui. "Edi araw araw ko pa rin siya kasama..."
"Pucha! Tapos ano, masasaktan ka na lang every time na malaman mo na may balak siya doon sa babae and everything?"
"Eh ano gusto mo Maq? Iwasan ko siya?" Julie asked. "Edi nagtaka yun? Kaya ko naman to get on with life, crush lang naman. Mawawala din." Panay ganun ang sinasabi niya. Baka kasi kapag paulit ulit niya sabihin magkatotoo.
"Anong crush lang..." Maqui reacted. She shook her head and looked to the side. "Haay nako, kapag matalino nga naman sa acads tanga naman sa pagibig."
"Maqui kung bumubulong ka hinaan mo naman kasi rinig ko pa rin."
"Hindi ako bumubulong! Sinasadya ko yun para naman maliwanagan kang babaita ka! Mahal mo na yon!"
Julie could only sigh in exasperation. "Mahal ko na kaagad?! Pwede ba hindi pa?!"
"O sige." Maqui suddenly turned calm. "Let's say hindi mo pa nga mahal pero ano, lagi pa rin kayo magkasama, aba malamang sa malamang may chance na mahalin mo na ng tuluyan."
"Edi pipigilin ko sarili ko." Sabi naman ni Julie. Sana kaya ko itong mga pinagsasabi ko.
Deretsong napafacepalm na lang si Maqui. Halatang hindi alam ang gagawin sa kaibigan. "Julie gusto mo ba maging GOMBURZASAN yung ituro sa mga bata sa school?"
"Ha?"
"Yung GOMBURZA magiging GOMBURZASAN... madadagdagan ng San Jose..."
===============
Ito nanaman. First day blues. But things were different since at least yung mga freshmen nung start ng school year ay hindi na ganun ka kabado at mga muhkang normal na naman ang mga heart rate.
But one thing surely not to change was Julie being early. Pero sa totoo lang mamaya pa kasi klase nila kaya duemretso muna siya sa precinct.
Hindi naman na siya nagulat nang makita niya sa isang table ang isang pamilyar na pigura. Kahit pa nakatango ito at ginagamit ang dalawang braso bilang unan alam na alam ni Julie kung sino ito.
Sinubukan niyang huwag ito gisingin ng hilain niya ang isang upuan sa tabi nito pero muhkang light sleeper lang talaga itong kaibigan niya kaya naman kaagad itong nagising.
"Oh, Julie!" Bea greeted kahit pa groggy pa rin dahil nga kakagising pa lang niya.
"Hi Bea... Aga natin ah." Julie said as she pulled up a chair closer and sat down beside her friend.
"Basta tayong dalawa lagi tayo maaga no." Bea replied.
Nakangiti naman na umiling si Julie at paminsan minsan ay tinitingnan ang telepono. Nang makita na wala naman nagtetext, napatingin siya kay Bea at nakita na nakasalampak nanaman ang muhka nito sa braso pero gising.
Julie sighed and started playing with her phone. "Haha. Kailan kaya ako malelate?'
"Kapag nabuntis ka na ni Elmo..."
"Bea!"
"O bakit?" Nakangising sabi ni Bea. "Diba malelate ang dalaw kapag nabuntis ka? At kay Elmo ka lang naman papayag na magpabuntis..."
Grabe. Kakaiba din lumalabas sa bibig nitong mga kaibigan niya eh. Napailing si Julie at bahagyang namula lalo na at patuloy pa rin ng pagngisi sa kanya si Bea.
"Washu pavirgin ka pa Jules! Naturingang MedTech eh!"
"Okay lang naman kasi na topic yun pero pertaining sa akin aba awkward!" Julie answered.
Tumawa si Bea and by this time ay deretso na siya sa kanyang upuan. "Nako kapag kinasal naman na kayo ni Elmo alam ganun din gagawin niyo."
"Bakit ka ba panay ng Elmo?" Julie asked.
"Eh kasi hinihintay lang naman namin na magkatuluyan kayo. Ang tagal lang eh." Bea said at kunwari pa ay nagiikot ng mata.
Huminga ng malalim si Julie at napailing na lang. Gusto sana niya banggitin yung tungkol kay Elmo at sa liniligawan nito but if she knew Elmo; and she did, ayaw nito na masyado nasisiwalat ang pangyayari sa buhay nito. Usually si Elmo na ang bahala sa pag reveal ng mga kaganapan sa buhay nito.
Tiningnan niya ang orasan at nakita na maaga aga pa nga kaya naman nagdecide siya na kagaya ni Bea ay matulog na lamang.
Papahiga na sana yung ulo niya sa braso niya ng may maramdaman siyang bigla na lamang ding tumabi sa kanya.
Napaangat siya ng ulo at nakita ang gwapong muhka ni Elmo na bumubungad sa kanya.
"Elmo?" She uttered as she pulled away because he was too close for comfort.
"Wow! Bagong buhay na ba yan Elmo ang aga mo!" Pagloloko ni Bea.
Ngumisi lang si Elmo habang nakatingin pa rin sa kanya si Julie.
"Jules, gulat na gulat ka ata na nandito ako?" Elmo sneered.
Kaagad namang nahimasmasan si Julie. "Ah wala. Hindi lang ako sanay na maaga ka no." Sabi naman ni Julie.
Natawa lang si Elmo habang linalapag ang backpack sa may table. "May dinaanan din kasi ako kaninang umaga kaya deretso na din ako dito."
Saglit na sumikip ang dibdib ni Julie. Dahil alam niya sa loob looban niya na may kinalaman kay Xyra yung ginawa ni Elmo kanina. Kaya ito nanaman. She kept reminding herself that she had no business in whatever Elmo was doing. He had his own life and she had hers. You can do this Jules, act as if nothing has changed.
"Nakita niyo ba yung bagong list ng mga kaklase natin nung enrollment?" Biglang sabi naman ni Bea dahilan para mapatingin sa kanya si Julie at Elmo.
"Bagong list?" Paguulit pa ni Elmo. "Hindi ko naman napansin. Panong bago?"
"May mga kabatch tayo na classmate na natin ngayon." Bea explained. "Yun nga lang may mga kaklase tayo na hindi na natin kaklase ngayon..."
"O?" Pagreact naman ni Julie. "Kagaya nino?"
Saglit na napaisip si Bea, tila inaalala yung mga nakasulat doon sa listahan nila ng class 2A for the second sem. "Hmm, parang sila Emma yung nawala eh..."
"Talaga? Ilan sila?"
"Mga apat? Ewan ganun, naalala ko lang yung si Simon Sandoval nakapasok na sa A class. Pogi non!" Biglang sabi ni Bea.
Naalala naman kaagad ni Julie yung pagkakabangga niya sa naturang lalaki sa coffee shop. "Ah. So classmate na pala natin siya."
"Diba crush ka daw nun?"
Marahas naman na napatingin si Julie sa kaibigan. "Ha?!"
"Oo gagi! Kalat kaya yun sa batch! Pambihira!" Natatawang sabi ni Bea.
Julie immediately looked away. As if naman. Nahihibang lang talaga ito si Bea. Sakto naman na napatingin siya kay Elmo at nakita na nakasimangot ito sa kawalan. Kaya naman kinalabit niya ito.
"Ui, okay ka lang?" She asked.
Elmo snapped back to reality when he felt what Julie did kaya naman he shook his head and looked at her. "Ah oo. Okay lang ako."
"Nako, gutom lang yan, gusto niyo ba kumain na? Antagal pa ng first subject natin." Sabi naman ni Bea.
Hindi na nagsalita pa ang dalawa at sinundan na lang ang kaibigan papunta sa canteen.
===============
Walang kamatayang Chemistry ang first subject nila noon at lab subject naman sila. At in fairness nandyan na kaagad ang teacher nila. Bago daw ito at muhkang mas matanda lang sa kanila ng ilang taon.
"Good Morning class, my name is Mr. Bongon and I will be your professor for Chemistry 141 this sem."
Tahimik lang naman na nakikinig sila Julie habang nagpakilala ang batang professor.
"I know you want to be grouped accoridng to your friends pero let's have a change of pace naman. Try mingling with other people." Sabi ni Mr. Bongon. Hindi na umangal pa ang mga estudyante dahil wala naman sila magagawa. Usually yung mga bata at bagong teacher kagaya ni Mr. Bongon ay ganito ang ugali. Pinatayo niya silang lahat at hinati sila into 4 groups, each group consisting of five members. Alphabetical lang naman ang ginawa nito at si Elmo ang nahiwalayan ng katropa. Nasa group 3 kasi siya napunta.
Si Bea at si Tippy magkagrupo sa group 1 habang si Julie at Jake naman ay magkagrupo sa group 4.
Hiniling na din ni Julie sa mga kagrupo na sa bandang harap ng table nila siya makpwesto dahil kahit kailan ay hindi maasahan itong mga mata niya pagdating sa kopya ng notes na nasa board or nasa screen.
At grabe naman ito si Sir! May lesson kaagad! Unang araw pa lang! Katamad eh!
"Uhm Julie..."
Napatingin naman si Julie at nakitang kinakalabit siya ni Simon. Kagrupo niya ito dahil nga sa magkasunod sila sa roll call.
"Hmm?" Julie asked quietly as she raised a questioning eyebrow.
"Ah, pwede patabi, medyo malabo din kasi mata ko." Sabi naman ni Simon. Nakapwesto kasi ito sa likod ni Julie sa laboratory table kaya naman medyo nakaharang talaga siya.
"Sure sure." Sagot naman ni Julie at saka inurong ang gamit na stool para naman makatabi sa kanya si Simon.
"Thanks." Ngiti naman ni Simon at kaagad inurong ang stool.
Patuloy lang naman sa pagkinig si Julie. First time niya ata makinig ng ganito. Hindi naman sa nagyayabang pero kasi minsan kahit hindi siya makinig napapasa naman niya talaga ang quizzes at exams. Eh ngayon na magkakalayo silang tropa wala talaga siya kadaldalan.
"First time natin maging magkaklase no?" Sabi naman ni Simon, catching her attention.
Napatingin siya dito at napangiti. Cute nga talaga ito lalo na sa malapitan. "Haha. Oo nga eh. I'm sure magiging welcome ka naman dito."
"Thanks. At least ikaw katabi ko, Hindi ako mahihirapan umadjust." Nginitian nanaman siya nito. Totoo kaya yung sinasabi ni Bea na crush siya nito? Stop Julie stop. Wag kang feeling.
"Mr. Sandoval, Ms. San Jose, am I interrupting you two?"
Kaagad naman napatingin si Julie at Simon kay Mr. Bongon at nakitang nakasimangot ito sa kanila.
Julie shook her head and straightened in her seat, so did Simon.
"If you will not listen to my lecture then please just get out of the room." Masungit na sabi ng professor.
"Ayihi bagong love team na ba yan? Simlie!" Gatong bigla ni Henry.
Nagsihiyaw din naman ang iba pang mga kaklase nila dahilan para parehong mamula si Simon at si Julie.
Binuksan ni Mr. Bongon ang kanyang bibig para sana magsalita ulit at patigilin ang mga naghihiyawan na estudyante ng may malakas na boses na nagsalita.
"Sir! Pakilipat na nga sa susunod na slide! Ang iingay eh..."
Natigilan si Julie dahil nakita niyang Elmo darkly looked at her before returning his attention to his notebook.
Tumigil din ang iba, nanibago kay Elmo. Usually kasi tahimik lang ito sa isang tabi. Nakasimangot pa din si Mr. Bongon at binigyan ng huling tingin si Julie at si Simon bago bumali sa lecture.
Nakatingin pa rin si Julie sa kaibigan kay Elmo at nakitang seryoso lang itong nagsusulat. Wala pa ang isang segundo nang mag-angat ng ulo si Elmo at nagtama sila ng tingin. Nakasimangot pa rin ito at sa inis ni Julie ay siya ang unang nag-iwas ng tingin, binabalik ang atensyon sa board.
Pasta Putanesca, problema mong kumag ka...
===============
AN: Helloooo! :D Salamat sa reads as always! And sa mga nagboboto at nagcocomment! Maraming salamat! Nakaka up lift kapag nakikita ko na may nagbabasa at bumoboto :D Bumibilis ang pagisip ng utak ko. Umeeksena na si Simon mwahaha!
Salamat po ulit sa suporta!
Mwahugz!
- BundokPuno <3