"Matagal pa ba yan?!" Maktol na sabi ni Nico habang nakaupo sa may dining table nila Julie.
Nasa may stove naman si Julie at marahang hinahalo yung sauce nung Pesto pasta na linuluto niya. Marahas siyang napatingin sa kaibigan at tinaasan ito ng kilay. "Hindi pa nga tapos yung sauce! Atat lang atat? May taxi ba na naghihintay diyan sa'yo ha?!"
Hindi naman napigilan ni Maqui ang pagtawa habang pinapanuod ang dalawang kaibigan. It was a Saturday Morning at napagdesisyunan ng dalawa na kayla Julie mag lunch. Kaya kahit ayaw niya ay napaluto si Julie. Of course may skills siya sa cooking. Chef nga yung tatay niya diba? Pero kasi tinatamad din naman siya kahit na gumalaw during a Saturday especially na nagsimula nanaman ang kanilang pagpasok. Ang rami kasing minor subjects na nagfefeeling major. Kainis.
"Eh nagugutom na ako eh! Sarap sarap mo pa man din magluto ng ganyan." Bigla naman pasweet ni Nico.
"Tsk. Ito na ito na." Hinalo na ni Julie yung sauce doon sa noodles at inihain sa dalawa niyang kaibigan na naglalaway nang makita ang linuto niya.
May naka-ready na din na tinidor sa harap nila kaya naman walang sabi sabi ay kumain sila nung pasta.
Tiningnan ni Julie ang dalawa niyang kaibigan at sarcastic pa na napangiti sa mga ito. "Ano masarap?"
"MASARAP!" Natututwa na sabi ng dalawa.
"Gusto mo ba Jules?" Sabay alok naman ni Maqui.
"Hindi na! Nahiya naman ako sa inyo!" Julie laughed. Oh how she loved these two.
"Washu! Di ka tataba Jules bilis na!" Pagloloko ni Nico kahit naman nagegets niya yung sinasabi ni Julie.
Enjoy lang silang tatlo sa pagkain ng bigla lumaki saglit ang mata ni Nico kahit ba singkit yun.
"Oi teka teka Jules!"
"O bakit? Sumama ba bigla ang lasa?"
"Gaga hindi!" Sabi ni Nico bago lapitan si Julie sa pwesto nito sa may island counter. "Nagkwento na sa akin si Maqui!"
Haay kahit kailan ka talaga Farr. Sabay bigay ng masamang tingin kay Maqui na nginitian lang siya.
"O ano naman kababalaghan sinabi sayo nito?" Julie asked Nico as she pointed to Maqui, kahit ba alam na niya kung ano yung kwinento ni Maqui.
"Is it true?" Madramang sabi ni Nico at parang naluluha luha pa.
"True ang alin bakla! Will you spit it out!"
"Na may ibang liniligawan si Elmo!" Sigaw naman ni Nico sabay whimper pa. Hindi pa nakakasagot si Julie nang ituloy ni Nico ang pinagsasabi niya. "Walangya yon! Isa siyang taksil! Taksil sinasabi ko sayo!"
"Nico! Maghunus dili ka!" Julie said, looking at her friend. Medyo naghahabol ng hininga pa ito.
"P-paano naman naging taksil si Elmo." Natatawa na sabi ni Julie habang nakatignin sa kaibigan.
"Eh kasi! Lalandiin ka niya tapos may liligawan na iba?! Hindi pwede yan!!" Nico yelled in fury.
Napailign na lamang si Julie sa kaibigan. "Ano ka ba, hindi naman ako linandi ni Elmo no. Kaibigan ko lang talaga siya and he's free to court whoever he wants." Big girl ka na Jules, I'm so proud of you.
Kahit ano naman kasi sabihin ng mga kaibigan niya, mapaboto ang mga ito kay Elmo o hindi, it doesn't change the fact that he likes someone else. Problema na niya na nahulog na siya sa kasweetan nito bilang isa sa matatalik niyang kaibigan. Wala naman sinabi ever si Elmo sa kanya na he thought of her as something more than a best friend. So she wasn't holding any grudges against him. She'll just keep being his friend. Baka naman kasi may ibang lalaki para sa kanya. Tama Jules. Yun na lang isipin mo. Saka nakalimutan mo ata na magd-doctor ka pa. Okay na iyon, isipin mo na lang yang career mo. Magkakapera ka pa.
"Teka nga. Ano ba itusra nung gurla?" Biglang tanong naman ni Nico.
Saka naman natigilan si Julie. Hindi naman niya kasi alam itsura ni Xyra.
"H-hindi ko alam..."
"Hah?!" Biglang sigaw naman ni Nico. "Bakit hindi mo alam?"
"Eh bakit ko naman kasi titingnan." Sagot naman ni Julie.
"Alam ko ma bakla!" Biglang aabi naman ni Maqui dahilan para magulat both si Julie at si Nico.
Sabay linabas nito ang Ipad na nasa loob ng bag at binuksan ang bag.
Kaagad naman nagets ni Nico ang gagawin ng kaibigan nila at tumabi pa kay Maqui habang si Julie ay naiwang nakakunot ang ulo sa dalawang kaibigan habang siya nandoon pa rin sa may island counter.
"Oi oi ano yan?" Pero hindi siya sinagot ng dalawa. Patuloy lang ang mga ito sa pagbusisi doon sa Ipad ni Maqui.
"Ay ayan girl ayan!" Sabi ni Nico sabay turo sa Ipad.
Finally tumayo na si Julie mula sa kinauupuan at tumabi kay Maqui at kay Nico na parehong humahagikhik sa tinitingnan nila.
At doon nakuta nakita ni Julie na isang profile ng babaeng nagngangalang Xyra Lopez ang nakabungad sa Ipad.
"Mga sira talaga kayo!" Julie gasped.
"O bakit?" Sabi naman ni Nico sa kanya. "Gusto lang namin makita itsura niya. Wag ka nga shoo shoo. Diba ayaw mo siya makita?"
Julie could only grimace. Ano pa gagawin niya e ayan na nasa harap na niya. Kaya naman inusog niya si Maqui sa uouan at siniksik ang sarili dito habang natatawa naman ang huli.
"O sabi na eh, titingnan mo din!" Comment naman ni Maqui.
Kaya ayun. Para silang mga stalker na ginulo yung profile nung babae. Kaso jasi naka private kaya hanggang profile pic lang sila.
"Sakto ganda..." Sabi ni Nico habang kinakalabit si Julie. "Nakabody shot." Pinagmasdan pa ni Nico yung picture na para bang pinagaaraln ito ng husto bago rumatsada ng comment.
"Maliit siya Julie! Maputi lang tapos mej chubby ang cheeks. Saka ano ba naman yang suot niya. Hindi naman muhkang mainit sa lugar na yan pero pwede ng tawagin na bikini yung suot. Kulang na lang tubig saka buhangin."
Humagalpak ng tawa si Maqui at napahawak pa talaga sa tiyan. "Haha walangya ka bakla!
"Eh totoo naman eh! Sige nga! Kayong dalawa tingnan niyo yung picture at sabihin niyo sa akin na mali yung sinasabi ko."
Tiningnan ni Julie yung picture at napailing. Medyo exaggerated lang ito si Nico eh.
Maganda kaya si Xyra. Cute yung pagkaganda niya.
"Ano ba naman Jules. Itong si Elmo pipili na lang ng gurla yung wala pang panama sayo!" Comment nanaman ni Nico.
Ito talagang bakla na ito...
"Nico ano ka ba. Wala naman ginagawa sayo yung tao e." Sabi ni Julie.
"Haay nako Julie Anne, bakit ang bait bait mo. Wag ka ganyan baka kunin ka kaagad ni Lord!"
"Nico! Sira ulo talaga ito!" Sabi ni Maquo at kunwari oang yumakap kay Julie.
Binalik naman ni Julie yung yakap baho napatingin doon sa Ipad nanaman ni Maqui. Nakangiti sa kanya si Xyra habang nagpopose sa ilalim ng puno sa what seemed to be a park of some sort. Pero totoo yung sinabi niya. Maganda talaga ito. Walang halong kyeme.
Muhkang talo na talaga ako ah...
=============
Julie Anne mag-isa ka lang ba diyan sa bahay? Punta ka na lang dito sa Berks.
Napagulong si Julie sa may kama nang mareceive niya ang text ng Papa niya. Tamad nanaman siya gumalaw eh. Isang jeep pa kaya papunta sa Berks tapos wala naman siya kasama. Hindi naman niya mayaya si Maqui dahil may duty. Si Nico naman may ginagawang project. At si Elmo, well, kikitain daw si Xyra.
But then again, wala naman siya magawa. Umalis din kasi si manang at namalengke. She got up from bed and got dressed before heading out of the door.
Hindi pa siya nakakalayo nang may tumawag sa kanya.
"Julie!"
Napatingin siya sa direksyon ng boaea at napangiti mang makita si Ate Maxx na kumakaway sa kanya from the other side of the street.
"Ate Maxx!" happily greeted back. Kumakaway pa din siya habang papalapit dito bago siya nito kabigin at yakapin ng mahigpit.
Ngayon lang kasi sila ulit nagkita simula nang makauwi sila from Sta. Rosa.
"Namiss kita baby girl!" Sabi ni Maxx once she pulled away to get a good look at Julie. "Hindi mo na ako nadalaw sa bahay."Kunwaring nagtatampo na sabi ni Maxx.
"Hehe sorry po ate naging busy sa school e." Sagot naman ni Julie.
"Well sa bagay. Muhkang bihis ka ah. Going somewhere?" Tanong naman ni Maxx.
Tumango si Julie. "Punta ako sa resto ni dad. Baka tumambay lang saglit muna doon." Then Julie looked at Maxx. "Gusto mo sumama ate?"
================
Hindi naman mahaba ang biyahe papuntang restaurant ni Kent. Isang jeep nga lang eh. Pero dahil may kotse si Ate Maxx, hindi na kinailangan ni Julie magcommute.
Ngiting ngiti si Julie habang may kinukwento sa kanya si Ate Maxx pagkapasok nila pero natigilan siya ng makita ang dalawang tao na kumakain sa may dulong bahagi ng restaurant.
"Mosey?" Biglang sambit ni Maxene nang makita ang nakababatang kapatid na nandoon.
Julie froze in her spot. Because Elmo was not alone. He was with Xyra.
Nakagalaw lang siya nung hinila siya palapit ni Ate Maxx. At dahil nga karapat dapat ang Oscar award sa kanya, ay kinayanan niya ngumiti na muhka namang genuine.
"Ate! Julie!" Sambit naman ni Elmo nang makita niya silang dalawa. Tumayo naman ito pati na rin si Xyra.
The girl's photo did not do her justice dahil para kay Julie ay mas maganda ito sa personal, petite ito saka maganda ang features ng muhka. No wonder nahulog ang loob ni Elmo dito.
"Hi Xyra." Marahang bati ni Maxene. For sure kilala niya ito simula dati pa.
"Hello po Ate Maxene." Nakangiting sabi ni Xyra.
Elmo then stepped up.
"Julie, ito nga pala si Xyra...Xyra, si Julie, one of my best friends at anak siya nung may-ari ng restaurant."
Ngumiti naman si Julie kay Xyra at binalik ng huli ang ngiti. "Hello Julie, it's so nice to meet you. Grabe ang ganda mo naman." Sabi naman ni Xyra. "Marami na nakukwento sa akin si Elmo tungkol sayo."
Natigilan naman si Julie. Si Elmo kasi ni-isang beses walang kinuwento sa kanya ng tungkol kay Xyra. Pero paano nga naman ba siya magkukwento kung lagi naman siya wala. So she settled for just nodding her head; "Ah haha talaga lang ah..."
Savior niya talaga si Ate Maxx dahil bigla naman ito nagsalita. "Moe, hindi ko alam na maglulunch pala kayo dito."
"Hindi ko din planado ate eh."
"Nandyan na ba ang dalaga ko?"
Napatigil silang lahat nang marinig nila si Kent na nagmumula sa opisina nito.
"Hi Pa." Bati ni Julie sa ama, lumapit naman ito at hinalikan sa ulo ang anak.
Tumingin naman ang lalaki kay Maxene. "O Maxx, nandito ka pala..."
"Nagkita po kami ni Julie sa labas ng bahay tito eh." Maxene explained.
"Ah gaun ba..." sabi ni Kent sabay harap kay elmo at kay Xyra. "O kayo, enjoy niyo yang date niyo ha, bibigyan ko na lang ng sariling table itong dalawang dalaga."
"Sige po Tito." Sabi ni Elmo habang si Xyra ay ngumiti lang.
Ngumiti na lang si Maxene at si Julie sa dalawa habang dinadala sila ni Kent sa isang table na nasa kabilang dulo naman nung restaurant.
Medyo tulala pa rin si Julie hangga't sa paupuin na sila ni Kent. Sakto naman na hinawakan ni Maxene ang kamay niya at nginitian siya. She returned the smile, matching Maxene's which looked sad.
"Akalain mo makakahanap din pala ng ibang babae si Elmo." Biglang bulong ni Kent na medyo nakangiti pa. Julie could only smile back, but it didn't reach her eyes. Hindi naman kasi alam ng papa niya na may gusto talaga siya kay Elmo. Tapos may dinagdag pa sabihin ang tatay niya; "Kala ko pa naman kayo ni Elmo ang magkakatuluyan, oh well... alam ko na order niyong mga dalaga, di bale padating na."
"Salamt po Tito." Sabi naman ni Maxx, smiling up at Kent.
Napababa ng tingin si Julie pagkatapos non at sinumulan ang paglaro sa napkin na nasa harap niya. Shet naman. Sana kasi masama na lang ugali ni Xyra para mas madali na maasar siya dito. Eh bakit naman siya maasar gayung sobrang bait nito.
"Baby?"
"Po?" Napaangat naman ng tingin si Julie at nakitang malungkot na nakangiti pa rin sa kanya si Maxx.
"Okay ka lang?" Tanong ng nakatatandang Magalona.
Okay Jules, dito na, kailangan ilabas ang acting skills! Fight! "Oo naman po ate, kaso nagugutom na din ako eh. Sana maluto na kaagad lunch natin." She smiled.
Tiningnan lang siya saglit ni Maxx bago napabuntong hininga at mahigpit na hinwakan ang kamay niya. "Jules..."
"Ano po iyon ate?" Julie asked again. Hindi niya kasi mabasa kung ano ang nasa muhka ni Maxene ngayon.
A few moments passed by at tahimik pa rin si Maxene pero finally nang muhkang mauubos na ang hininga ni Julie kakahintay, nagsalita na ito. "I like Xyra..."
Aray, pati pala sa ate talo na siya...
"...but I like you more for Elmo."
===============
AN: Hi friends! :D Nagkita na si Julie at si Xyra! *confetti* Haha! Abangan po ang susunod na chapers XD
Sorry nga po pala sa mga typo :D Please comment or vote :D They make me so happy and inspire me to write more :) Lovelots!
Mwahugz!
-BundokPuno <3