It Makes Sense
Chapter 28
Draft (1736 Words) SavedPublish Save Preview Chapter 28"Julie Anne! Aba'y bata ka hindi ka pa ba maliligo?!"
Narinig ni Julie na tanong sa kanya ni Manang mula sa may kabilang dulo ng bahay.
"Mamaya na po manang!" She yelled back. Wala kasi pasok kaya naman nakakatamad talaga gumalaw. Buong umaga nakatambay lang siya sa harap ng laptop niya at kung ano ano ang ginagawa.
It's been a couple of weeks since she and Elmo had that talk. Siya na rin mismo kasi ang minsan dumidistansya dito.
Makaligo na nga talaga. Mainit din kasi yung araw.
Pinasleep muna niya yung laptop niya saka bumunot na ng susuotin at yung twalya na nakasabit doon may cabinet niya.
Pakanta kanta pa siya habang naliligo.
I've got the moves like jagger!
Haay Adam why so gwapo?
Patuloy pa rin siya sa pagkanta hanggang sa finally ay natapos siya sa kanyang pagliligo at lumabas na sa kanyang bathroom at dumeretso naman sa kwarto.
Kanta pa rin siya ng kanta nang bigla namang bumukas yung pinto niya ng walang pasabi.
"AHHHH!!"
"AHHHH!!"
"SHET SHET! ELMO! TURN AROUND!"
"H-Ha?"
"Lumabas ka ng kwarto ko gago!" Sigaw ni Julie bago kinuha ang towel niya at mabilis na binalot ito sa sarili.
"S-sige..."
"Labas na ngayon!"
"Ah oo nga!" Mabilis na lumabas ng kwarto si Elmo habang si Julie naman ay kaagad na nagbihis.
Pulang pula na ang muhka niya. Letse bakit ba ni-isa sa mga kaibigan ko hindi marunong kumatok?!
Binilisan niya ang pagbihis at kaagad namang dumeretso sa tambayan nilang garden.
Nakasimangot siya nang bumungad siya kay Elmo.
Napalunok naman si Elmo nang makita ang itsura and could only sheepishly smile. "Ah hehe Julie s-sorry talaga--"
"May nakita ka?" Biglang bungad ni Julie.
"N-nakita?"
"Oo Elmo may.nakita.ka.ba?" Julie asked.
"Ahhh... ano kasi..."
Napapikit ng mariin si Julie. "Shet lang Moe! Wala ka nakita okay? As in wala okay?"
Elmo gulped and nodded his head. "Okay sige sabi mo eh."
"Argh!" Julie yelled before sitting down on the chair beside her friend. "Nakakainis ka! Kailan ba talaga kayo matututo kumatok!?" Napatingin siya kay Elmo at nakitang nakatitig lang ito sa kanya. Kaya naman sa inis niya ay hindi niya napigilan ang hampasin ito sa braso.
"Elmo! Ano ba!"
"H-huh?"
"Bakit ka ba nandito?" Tanong naman ni Julie. "Umagang umaga nanggagambala ka nanaman."
"Wala namiss lang naman kita." Sabi naman ni Elmo.
Hindi natiis ni Julie na taasan ng kilay ang kanyang kaibigan. "Wow ah. E araw araw mo kaya ako kasama sa school, now tell me what's the real reason that you're here?"
Elmo could only give a small smile. "Grabe Jules, kilalang kilala mo na talaga ako."
Hindi na nagsalita pa si Julie pagkasabi non ni Elmo. Hinihintay lang niya na ito na talaga ang magsalita.
"Si Xyra kasi eh..."
"O, what about her? Is she alright?" Worried na tanong ni Julie.
Tumango lang naman si Elmo. "Okay lang naman siya kaso kasi... Medyo naiinis ako."
Kumunot ang noo ni Julie. "Naiinis? Bakit ka naman naiinis?" She asked.
Hindi muna nagsasalita si Elmo. Para bang iniisip muna niya ang susunod niya na sasabihin kaya naman natagalan lang na nakaupo silang dalawa doon.
Hanggang sa finally ay nagsalita siya. "Bakit ganon Jules, nag-effort din naman ako sa kanya diba?" Sabi ni Elmo.
Magsasalita pa sana si Julie kaso naman ay bumuka ulit ang bibig ni Elmo.
"Nag-ready kasi ako ng date para sa kanya nung isang gabi." Pasimula ni Elmo. "Sinundo ko siya sa dorm niya tapos naglakad kami sa park at doon ako nag set up ng dinner."
"O bakit? Ang sweet nga nun eh." Sabi ni Julie. "Ayaw daw ba niya nun?"
Elmo shook his head. "Deh, gusto naman daw niya pero kasi during the date wala siyang binanggit kundi yung ex niya."
Ay aray naman. Kaya pala masama loob mg tropa ko na ito eh.
"Ex niya? Eh loko naman pala yan si Xyra, nagddate kayo tapos puro yung Ex niya yung pinaguusapan niya?" Totoo yung aaar na nararamdman ni Julie ngayon. She felt for her friend. Kakaunti na nga lang kasi yung mga lalaking kagaya ni Elmo na nageeffort ng ganyan tapos tatratuhin ng ganun ni Xyra. "Hindi naman ata tama yun Moe, lots of girls would kill to have a date like the one you prepared."
"Oo nga eh. Tapos panay naman siya ng banggit na yung ex niya na si David lagi siya dinadala sa mga high class na restaurant. At laging mamahalin yung mga binbigay sa kanya."
Julie rolled her eyes at that. "Eh yun naman pala eh. Bakit kasi hindi na lang niya balikan yung boyfriend niya kung tatratuhin ka lang naman niya ng ganun?"
"Alam ko may iba na kasi si yung David e hindi pa ata siya makagetover." Nalulungkot na sabi ni Elmo.
Tiningnan naman ni Julie ang kaibigan at pati kasi siya ay nalulungkot para dito. Alam naman niya kasi yung feeling na may mahal kang tao tapos hindi naman nito napapansin ang pagmamahal mo.
"Alam mo Moe, problema na ni Xyra if hindi niya naaapreciate yung mga efforts mo para sa kanya." She said, softly.
Hindi naman napigilan ni Elmo ang pagngiti bago inabot si Julie para yakapin ito.
Nagulat naman ang dalaga pero masyado mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ng bintana para pumiglas pa siya.
"Salamat talaga Jules ah. Kaibigang tunay nga kita."
Tinago ni Julie ang buntong hininga niya at walang nagawa kundi ibalik ang yakap. Haay. Hanggang kaibigan lang ba talaga ako sayo Elmo? Nandito naman kasi ako. Mas papahalagahan kita kaysa kay Xyra.
================
It was a Saturday that day at maaga aga naman ang uwi nila Julie. At least may araw pa nang makalabas sila ng school.
"W-wala kang lakad ngayon?" Tanong naman ni Julie kay Elmo. It's only been a few days kasi since he opened up to her about Xyra at simula noon ay wala naman siyang nababalitaan na balak ni Elmo gawin sa sitwasyon.
"Wala... Bahala na." Absent-minded na sagot ni Elmo.
"Ha?" Nalilitong tanong naman ni Julie. "Anong bahala na?"
"W-wala wala. Tara uwi na tayo." Sagot naman ni Elmo. Kagaya ng dati inalalayan nito si Julie habang naglalakad. Hindi na kasi nawawala sa kanya yung ganung habit.
Nakasakay na sila ng bus at kagaya ng dating gawi ay naupo si Julie sa may window seat banda habang si Elmo ay sa may aisle seat.
Tulala lang si Elmo buong drive at hinayaan naman ni Julie ang kaibigan. Kailangan lang nito siguro magisip isip din. At nandoon lang naman siya para damayan ang kaibigan eh.
Hanggang sa pagbaba ng bus at sa paglakad papuntang sari-sariling bahay ay tahimik lang sila pareho. Pero kagaya ng dati ay gentleman pa rin ito si Elmo at tapaga namqng hinatid pa si Julie hanggang sa tapat ng bahay nila.
Papasok na si Julie at tanging maliit na ngiti lang ang binigay sa kanya ni Elmo bago nagsimula maglakad palayo.
Nagdalawang isip pa si Julie nung una pero sa huli... "Moe!"
Umikot naman si Elmo nang tawagin siya ni Julie at nagtatanong lang na tiningnan ang kaibigan.
"N-nandito lang ako para sayo ah." Kahit ba paulit ulit niya kasi sabihin yun hindi siya mapapagod na ipaalala ito.
Maliit na ngiti lang ulit ang binigay sa kanya ni Elmo. "Salamat Jules. Pasok ka na..."
Pumasok na nga si Julie pero tiningnan muna niya ang kaibigan na naglalakad din papasok ng bahay.
Napahinga siya ng malalim.
"Anak kakain ka ba ng meryenda?" Tanong sa kanya ni manang nang makatapak siya banda sa may kusina.
"Hindi na po siguro manang. Sa garden lang po ako. Pakitawag na lang po ako kapag dinner time na po." Ayon lang ang sinabi ni Julie bago umakyat na sa kwarto. Nagbihis na siya at naghilamos bago mabilisang dinala ang gitara at trusty notebook sa may garden.
Yung mga panahon na ito magandang gumawa ng kanta. Malapit na rin kasi ang pasko. Lumalamig na ang panahon.
Nasa harap lang ni Julie ang papel habang yakap yakap niya ang gitara niya. Dahil sa hangin ay linipad amg current page at napunta naman sa pahina kung masaan nandoon ang drawing ni Elmo.
Hindi niya napigilan ang mapangiti ng dahil doon. If ever Xyra wasn't in the picture, she would've believed na maybe... Just maybe may gusto din si Elmo sa kanya.
And that would be a dream come true for her. Nakay Elmo naman na lahat din ng hinahanp niya sa isang lalaki eh. Nagiisa lang siya.
Hindi niya namalayan na nakakagawa na pala siya ng kanta at lumipas na ang oras.
Halos maggabi na nga eh.
Saka naman nagring ang phone niya na nasa tabi lang ng notebook niya. Nagulat naman siya nang makita yung pangalan na nakaregister na tumatawag.
Pinaring muna niya ng dalawang beses pa baka kasi mali lang ang pindot pero hindi... Tuloy ang tawag.
"Hello?"
"Julie?"
"Xyra..." Julie uttered.
"Oh good you answered. Magkasama ba kayo ni Elmo ngayon?" Sabi naman ni Xyra.
"Huh? No nasa bahay na ako. Nakauwi na din siya eh."
"Ganun ba, kung ano ano kasi tinetext sa akin hindi ko maintindihan..." Halata din naman angpagaalala sa boses ni Xyra.
"Nakauwi na un. Sabay lang kami umuwi eh." Sagot naman ni Julie. Sa totoo lang naiinis pa rin siya kay Xyra dahil sa pagtrato nito kay Elmo pero at least parang may pake pa rin naman ito sa kaibigan niya.
"Ganoon ba, sige balitaan mo na lang ako ah."
CLICK
Napatingin si Julie sa hawak hawak na cellphone. Ano naman kaya nangyari sa kaibigan niya. Nakauwi naman ito ng maigi kanina ah.
Hindi pa natatapos ang pagiisip niya ng bigla namang magring ulit ang phone niya.
Akala niya si Xyra ulit pero nakita niya na si Elmo ito.
"Hello Moe?"
"Jules..."
Kinabahan naman si Julie sa tunog ng boses ni Elmo. Nagsslur kasi eh. At ang malala pa maingay ang background. Kaagad naman siya napatingin sa bahay nila Elmo sa tapat at nakita na wala namang ingay na nangyyari. That only meant na wala ito sa bahay.
"Moe bakit ganyan ka magsalita?"
"Hehe. Jules, ang ganda talaga ng boses mo. Walang wala yung kanta dito sa bar. Partida nagsasalita ka pa lang niyan ah. Kantahan mo naman ako..."
Doon na kinabahan si Julie. "Bar? Saang bar yan?"
===============
AN: Hi friends! Thanks for reading this :) Don't forget to vote or comment po please :) Sa mga nagffolllow din po sa akin, thanks po! Bukas ko po pala iuupdate ung Perf Circle :)
Mwahugz!
-BundokPuno <3
Paid StoriesTry PremiumGet the AppLanguageWriters|BusinessJobsPressTermsPrivacyHelp© 2020 w*****d