“BAKIT MAY PAKAPIT ka na sa braso ko ngayon? Siguro inilihim mo iyon sa mga kaibigan mo,” sabi ni Wyatt. Napabuntonghininga na lang ako nang marinig ang sinabi ni Wyatt. Hindi nga ako nagkamali sa kutob ko na nakita niya kami na magkasama ni Kenzo. Pero ang tanong ko, saan? ’Wag naman sana roon sa hotel. Nakakahiya kung ganoon. Binitawan ko na ang braso niya at napahawak na lang ako sa dibdib ko. Inakbayan naman niya ako kaya agad ko siyang siniko dahilan para tanggalin niya ang kamay niya sa balikat ko. Napatawa lang siya kaya mas lalo tuloy akong nainis sa kanya. “’Wag mong ipagkalat parang awa mo na,” mahinang sabi ko. “So secret nga? Bakit iyon? Hindi ba matanda na iyon?” mahinang tanong niya. Nilingon ko siya sabay hawak sa dibdib ko. “Itanong mo rito. Siya lang ang nakakaalam.”

