KABANATA 38

1730 Words

“SA IYO NA lang siya? Ito ang sa iyo!” sigaw ni Ate Thalia. Sasampalin na sana muli ako ni Ate Thalia pero hinablot siya ni Kenzo palayo sa akin. Nagpupumiglas siya hanggang sa natanggal na niya ang mga kamay ni Kenzo. Hinarap niya si Kenzo at pinaulanan ng mga malulutong na sampal. Hinayaan lang siya ni Kenzo at dinama ang galit niya. “Ate, tama na!” sigaw ko. Naaawa lang ako sa lalaking mahal ko. Nilingon ako ni Ate Thalia. “Gusto mo talagang mabugbog, ha!” Susugurin sana ako muli ni Ate Thalia pero pinigilan muli siya ni Kenzo. Sa pagkakataong iyon, nilingon niya muli si Kenzo at pinagsasampal. Hindi ko naman mapigilan na manikip ang dibdib ko habang nakikita ang resulta ng ginawa ko. Ang sakit dito sa dibdib ko. “Ako na lang ang sampalin mo! Lia, ako na lang! Katulad mo, galit din

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD