“ANG BATA-BATA mo pa, Lori, para magpagalaw sa anak ko,” sabi ni Mommy. Nilingon ako nito. “I-Ikaw, Kenzo. Nasa wastong edad ka na! Hindi ka man lang nag-isip! Nasaan na iyong latin honors mo noong college? Hindi mo man lang ginamit?” “Sorry, Mom. Hindi na po mauulit,” sagot ko. “Hindi na talaga. Dahil kung may mangyari pa sa inyong dalawa, may sakit ka na! Ikaw, Lori, umuwi ka na sa inyo. Ang bata mo para sa ganyang bagay. Alam ba iyan ng parents mo na ganyan ka na?” Napailing si Lorna. “Tita, please? ’Wag ninyo na lang po ipagkalat. Pangako, hindi na po mauulit. This must be our first and last.” “Siguraduhin mo lang, Lori. Kung ako sa iyo, pag-aaral mo ang atupugin mo. Ano na lang ang masasabi ng pamilya mo kapag malalaman nila ito?” “Kaya nga po, Tita, na sana ’wag ninyong ng ipag

