[Narrator] "Let's party!!!" Sigaw ni Elynna sabay bukas ng champagne. Nagsigawan naman sila Akoz. Natuloy ang party at kumpleto naman sila. Syempre, open ang unit ni Yohan. Dahil pinagplanuhan ito ng lima, naging magarbo ang party nila. May mga designs na nakasabit, mga balloons, letters, pictures nila at may disco lights pa. Naglagay naman ng soundtrip si Akoz at Yohan, soundproof ang unit ni Yohan kaya may kalakasan ang mga speakers nila. May pabilog na sofa at may nakalagay na center table kung saan nandoon ang mga pagkain, soda, and beers. May mga prutas din. Kanya-kanyang kwentuhan, bahagyang pinakilala ni Akoz at Yohan ang sarili at ang pagkakaibigan nila. Maya't-mayang tawanan, asaran, tawanan ulit at kwentuhan na naman. Doon lang nila naranasan ang ganoong kaingay. Para silang

