[Narrator]
Sunday, since walang practice at sarado ang Hakin University, Klein decided to have a special practice for Akoz and Berlin. A practice about the piano and violin piece, since iyon ang medyo mahirap para kay Klein.
At dahil wala naman silang lugar, nagpasiya si Elynn na sa kaniyang mansyon magpractice ang dalawa. Kasama na si Klein, Cassidy, at Sakura. Malaki at kumpleto sa musical instruments si Elynna, kaya tama ang desisyon ni Klein. Si Elynna rin naman ang pinakamayaman sa kanila.
"Mali nga iyan, dapat babagalan mo lang para makahabol ako." Giit ni Berlin, habang hawak sa isang kamay ang violin at may tinuturo sa music sheet na nakapatong sa piano ni Akoz. Napakamot naman sa ulo si Akoz at tumingin kay Berlin.
"Pero kasi, pag binagalan ko. Hindi na siya pwede iblend. Dapat nga nasa 3rd movement ito eh, in-adjust lang ni Klein." Sagot naman ni Akoz.
Nanlaki ang mata ni Berlin at inilapag nang marahan ang violin, maya-maya ay nakapamewang ito at matalim ang mata na nakatingin kay Akoz.
"So, you're telling me na kasalanan ko pa dahil hindi ako makasabay?"
"No, what I am trying to say is kaya mo naman makasabay sa sheet. Come on, we can try it again--
"Edi ikaw sa violin!
"Ito Berlin, pwede mo naman ito itry eh--
"Pwede naman kayo mag-away sa boxing room, mayroon kami dito! Baka mamaya maghampasan kayo ng gitara dito." Putol ni Elynna sa dalawa, may dala itong tray ng mga pagkain kasama ang dalawang butler. Kumalma naman si Akoz at Berlin.
"3 weeks na tayong nagprapractice and yet, the two of you can't stop bickering. Gusto niyo ba ganyan na lang set up sa play?" Tanong ni Klein habang natatawa. Napayuko naman si Akoz habang nakanguso naman si Berlin at hawak pa rin ang violin.
"Tatlong oras na kayo diyan, di ba kayo nagugutom? Kumain muna kayo." Aya ni Cassidy. Sabay naman pumunta sa pwesto nila ang dalawa at tahimik na kumain.
[Cassidy's POV]
"Wow, corndog ba ito?"
Gusto ko umiyak sa tuwa nang kunin ko ang 'confirmed' corndog. Ngayon na lang ulit ako nakakain nito.
"Hindi Cass, baka shawarma iyan." Pilosopong sagot ni Elynna, itong babaeng ito kundi lang siya ang may-ari ng bahay kanina ko pa siya na-smackdown
"Ikaw malakas loob mo porket dito ka nakatira, hintayin mo lang sa lunes. Di ka na makakauwi." Mahinang banta ko sa kanya, natawa naman sila Berlin habang naglalagay ng sauce sa corndog nila.
"Uy Cassidy, balita namin may nanghingi raw ng number mo nung Friday ah, si Allen ba yon?" Berlin asked while eating her corndog. I nodded as I remembered what happened last Friday.
Nilunok ko muna ang corndog, bago ako magsalita. "Oo, si Allen yung binasted ni Klein last year." Nagulat naman sila, lalo na si Akoz dahil biglang napatingin samin, nakaligtaan nya atang naglalagay siya ng sauce kaya may tumalsik sa salamin niya.
Ituturo ko sana yung ketchup pero nauna na si Sakura, "May sauce na nalagay sa salamin mo." Sabi niya. Agad naman tinanggal ni Akoz ang salamin niya at inaalis gamit ang tissue.
"Binigay mo?" Klein. Umiling ako, sunod-sunod na iling. "Hindi, bago pa niya hingin number ko. May nakapagsabi na sa akin na two timer daw yun--
"Oh my god, you look more handsome without your eyeglasses, Akoz!" Elynna exclaimed.
Bigla kaming napatingin kay Akoz, wala nga itong suot na salamin at gulat din na nakatingin kay Elynna. Bigla-bigla kasi sumisigaw.
Pero, she's right.
He is a good looking man. Hindi ko naman sinasabi na hindi siya gwapo with his eyeglasses, but it makes him manlier. He has a deep expressive, and hazel brown eyes.
"H-ha?" Nauutal na sagot ni Akoz.
Cute.
"Ayaw mo magsuot ng contact lens?" Tanong ulit ni Elynna.
"Nakakatulog kasi ako bigla, so minsan lang talaga if need siya." Akoz explained.
"Gwapo rin naman si Akoz kahit may eyeglasses siya ha?" Klein said, habang nakatitig kay Akoz. Nahihiya naman si Akoz na umiwas ng tingin kay Klein.
That's true. But Akoz in specs looks like he is a soft person, a warm person. Someone who is kind enough at hindi makakapatay ng langgam. However, without eyeglasses he looks manly. Pero kung ano naman sa dalawa, for me he is a good looking man.
Tumingin naman si Elynna kay Akoz, parang may hinihintay siyang sabihin nito. Kahit kailan talaga itong babaeng ito, kulang na lang ampunin na niya sa bahay si Akoz.
Lumapit naman si Sakura kay Elynna, "Magkapalit kayo ng mukha." Pabirong sabi ni Sakura at nilayo ang mukha ni Elynna.
"Oo nga pala, bakit wala ka pang girlfriend Akoz?" Nagtatakang tanong ni Akoz.
[Narrator]
"Oo nga pala, bakit wala ka pang girlfriend Akoz?" Nagtatakang tanong ni Akoz. Dahan-dahang napalingon si Akoz, nanlalaki ang mata nito dahil hindi niya alam kung ano isasagot niya.
Hindi niya pwedeng sabihin na may gusto siya kay Klein, naisip ni Akoz. Habang nakatingin pa rin kay Elynna. Nakatingin naman ang lima sa kaniya habang hinihintay ang sagot niya
"Ahh…" simula ni Akoz, napakamot na naman siya sa batok, "I was busy when I was in Senior High and…"
"...and?" The four girls asked in unison, except for Berlin who is waiting for his answer.
Akoz shrugged his shoulders, "That's it. Busy ako that time, kaya I never had the chance to date."
Lumapit si Elynna kay Akoz, may malungkot itong expression at marahang niyakap si Akoz. "I feel bad for you baby boy, don't worry ako na bahala. Hahanapan kita ng makakadate ngayon din."
"Ano ba ideal girlfriend mo Akoz?" Tanong ni Cassidy.
"Someone like Klein…" bulong ni Sakura pero rinig naman nilang lahat. Natawa naman si Klein, habang si Akoz ay kinakabahan. Inilagay ni Klein ang kamay sa ulo ni Akoz, and started patting it.
"He's like a little brother to me." Klein explained, ngumiti naman si Akoz, trying to act like he is fine with it.
"Tama, we're like siblings. But don't get me wrong, Klein is kind and caring and I admire her for that." Paliwanag naman ni Akoz, nahihiyang ngumiti ito at tumungo.
"But I want to date someone, na when I'm with her I can be myself. I feel comfortable." Dagdag niya.
Tumayo si Elynna sa pagkakaupo, "Roger that. Hahanapan na kita ngayon din." Natawa naman sila sa giawa ng kaibigan.
Habang seryoso naman nakatitig si Berlin kay Akoz, mukha naman nagsasabi ang lalaki ng totoo. Mukha rin mali siya na sa paghihinala kay Akoz. Pero ayaw niya magtiwala agad. Huwag muna ngayon.