Chapter EIGHT

1804 Words
[Narrator] Magkasamang naglalakad si Yohan and Akoz. Ikatlong araw nila ngayon sa Hakin University. Maagang pumasok si Yohan dahil sa assignment na kailangan nyang tapusin, at sinama na niya si Akoz dahil nasa iisang subdivision lang din naman sila. "Akoz, about dun sa itatake mo na subjects. Sabi ng kakilala ko sa registrar, marami raw nacredits na subject sayo dahil same din naman sila ng HUMSS." Nakangiting lumingon sa kaniya si Akoz, malapad at ngiti nito at nakakasilaw ang mata. "So, wala na ba ako itatake this summer?" Umaasang tanong nito. "Meron syempre." Mabilis na tugon ni Yohan dahilan para ikasimangot ng kaibigan. "Pero nasa tatlong subjects lang naman iyon, at kaya mo itake ng isang summer. Pasalamat ka walang pre-req sa SHS yung mga subjects niyo ngayon." Nakangiting tumango si Akoz at tumingin sa harapan. Nasa catwalk sila ngayon na naglalakd at bilang lang ang mga estudyante, siguro dahil maaga pa. Bihira ang mga may klase ng 7:30AM.  Naalala bigla ni Yohan ang pamilyar na mukha ng babae na kasama ni Akoz kahapon nang sunduin nya ito sa gate. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya, gusto niya itanong iyon kay Akoz kahapon pero nawala bigla sa isip niya. "Wait, stop." Yohan mumbled. He stopped from walking and grabbed Akoz' shoulder. Napatingin naman sa kaniya si Akoz, at bakas sa mukha nito ang pagtataka. Nakatingin pa rin si Yohan sa babaeng nasa harap nila at naglalakad ito patungo sa direction nilang dalawa. He smiled sheepishly when he confirmed who is the girl in front of them. Lumingon sya kay Akoz at hinawakan ang dalawang balikat na nito para iatras. "Basta, dyan ka lang. Don't walk hanggat di ako nakakalagpas sa flag pole." Di na nito hinintay magsalita si Akoz at naglakad na papuntang flagpole. Ngumiti sya at sumaludo sa babaeng ngayon ay malapit na sa pwesto ni Akoz. Habang papalayo ay sumilip sya sa kaibigan at nakita nyang nakatalikod ito na parang may tinitingnan sa may gate ng school, napatawa tuloy sya.  [Akoz POV] Hindi ko alam kung anong pakulo ni Yohan, pero syempre sinunod ko siya. Naglakad sya nang mabilis papunta sa flagpole, nakakapagtaka baka mamaya may ginawang kalokohan iyon at ako ang iiwan. Lumingon ako sa likuran, nagbabakasali na may makikita akong sagot. Pero yung kahabaan lang ng catwalk at gate ng school ang nakita ko. "Akoz…" I felt someone tapped my shoulder. Agad akong humarap at nakita ko si Klein. Nakasuot ito ng white bomber jacket at black shirt, naka-half ponytail ito at nakangiti.  Bigla na naman bumilis ang t***k ng puso ko, wala na naman ako marinig kundi ang bilis ng t***k ng puso ko. I am mesmerized by her ethereal beauty. As always. "Tumangkad ka ata." Dagdag nito at tumingkayad para abutin ang buhok nya. Hindi ko maiwasan mapatingin sa mukha nya, at agad ko rin iniwas ang tingin ko. Inalalayan ko na lang sya nang akmang matatapilok sya dahil sa pagtiptoe nito. "H-ha? Hindi naman gaano. Sakto lang." Sagot ko. Trying to act normal as always, pero di ko maiwasan mautal, dahil hindi pa naman ako kalmado sa ginawa niya. Minsan, pakiramdam ko nahahalata nya na may gusto ako sa kaniya. "AKOZ!!!!!" Parang may bag na bumagsak sa katawan ko, good thing mabilis ang reaksyon ko at nahawakan ko kung sino man ang tumalon sa likuran ko. "Elynna, mamaya isubsob mo si Akoz sa semento. Grabe ka naman. Chill ka lang." Natatawang paalala ni Klein. It was Elynna, she is still embracing my neck. Gusto ko sabihin hindi ako makahinga dahil halos nakasabit na siya sa akin at nasasakal na niya ako.  Tumingin ako sa langit, sana naman Lord makahalata si Elynna na hindi ako makahinga. Huhuhu.  "Sorry hehehe. By the way did you eat breakfast na ba? Elynna asked, dahan-dahan niyang inalis ang mga braso niya na nakasabit sa leeg ko, naglakad sya papunta sa pwesto ni Klein. "Yes, I did." I answered at nagsimulang maglakad. Sumabay din si Klein at Elynna  papunta sa building namin.  "Si Berlin, di pa kumakain yon ng breakfast umalis na agad. Nagcommute lang yon." Klein said worriedly, napatingin ako sa paper bag na hawak niya. May name iyon ni Berlin. Pagkain siguro. They must be living together. "Bakit? May gagawin ba sya before class?" Tanong ni Elynna. Umiling si Klein, "I don't know. Basta gigisingin ko sana sya sa kwarto nya kaso sabi ni mommy, nauna na raw siya."  "Baka pupuntahan niya boyfriend niya?" "Isang himala na lang kung magkakaroon sya ng boyfriend Elynna, hindi interasado sa tao yun."  "So, iaabot mo ba yan?" Turo ni Elynna sa hawak niya. Tumingin ako kay Klein, hinihintay ang sagot niya. "Paano ko maiaabot to, eh gusto ni Sir Alex dumiretso agad ako sa office niya."  "I can bring that to her. If gusto mo." Nahihiyang aya ko. Napatingin naman sakin si Klein and she smiled. "Really, okay lang ba Akoz?" She asked to make sure. I nodded and smiled, giving her an assurance it's fine. "Yes, we are in the same class naman. Ako na maghahatid sa kaniya. May 1 hour pa naman bago ang klase namin so she can eat."  Inabot naman ni Klein ang paper bag sa akin, agad ko kinuha ito. "Oh my god, thank you so much Akoz! You're a lifesaver."  "No worries." I replied, anything for you Klein. Napatigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa entrance ng building CAL.  "Pumasok ka sa first subject natin Klein ha, naku wala pang second sem, magcucutting class ka na." Biro ni Elynna, akmang hahampasin sana siya ni Klein pero dahil mabilis sya at sanay na ata siya-- pumasok agad sya sa loob ng building at nakasakay agad sya sa elevator. Naiwan na lang kami ni Klein sa entrance ng building. "Sige Klein, pasok na ako. I will let you know thru text if nabigay ko na sa kaniya."  "Sureee! Thank you so much Akoz. I will treat you next time okay? Bye! See you later!" Nagwave si Klein as sign of goodbye bago sya lumiko papunta sa office ng professor nila. Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na rin ako sa building namin nang may ngiti. [Narrator] Masayang pumasok sa classroom si Akoz, wala pa ang mga kaklase niya. Si Berlin lang ang naabutan na seryosong nagbabasa habang nakasuot ang headphones nito. Napatingin ito sa kaniya nang inilapag nya ang paper bag sa harap nito. He awkwardly bowed and smiled, "Pinabibigay ng pinsan mo."  "Bakit ka nakangiti?"  "H-ha?" Biglang nawala ang ngiti ni Akoz at napaiwas ang tingin nito. Nakangiti ba siya? "Don't smile. You think I am funny?" Berlin asked, she looks irritated. Nagsorry si Akoz at dahan-dahang umupo si Akoz sa upuan nya, making sure it won't bother Berlin. Sikretong kinuha ni Akoz ang cellphone nya at binuksan ang front camera, ngumiti siya sa camera. Tinitingnan kung nakakainsulto ba ang ngiti niya. Nakakainis ba ako ngumiti? Akoz thought. He is in deep thoughts, hindi na niya napansin na halos makumpleto na sila at malapit na magsimula ang klase. 8:00AM na, pero imbis na ang professor nila ang pumasok ay laking gulat ni Akoz na si Klein at Cassidy ang pumasok sa classroom. Nakita naman sya ni Cassidy pagpasok pa lang nya at agad ito ngumiti sa kaniya. Akoz did the same and waved his hand. Tumahimik naman ang klase sa pagpasok ng dalawa.  [Akoz POV] "Hi guys how's your day?" Cassidy asked with a smile, "For everyone who is wondering,or baka nakalimutan niyo na. I am Cassidy Andromeda, the writer of the upcoming musical play na paghahandaan natin ngayon." Naalala ko na, ito nga yung sinabi ni Cassidy na maaga sila maghahanap ng actors for the musical play. "Our musical play entitled, Facade is written by our sweet Cassidy. This story is all about the about two classmates na laging nag-aaway, but the truth is they are hiding their real feelings for so many years." Klein explained while holding the manuscript. "We don't want to spoil the story guys, pero as of now alam niyo naman na we are looking for actors. Some of you auditioned during the assembly and gladly may nahanap kami."  "Berlin." Narinig kong tawag ni Sakura kay Berlin. Kahit pa ayaw kong mapakinggan, maririnig ko naman  dahil nasa likuran ko sila. Wala na sana ako balak pa makinig pero naagaw ng atensiyon ko ang sinabi ni Sakura kay Berlin.  "Diba ikaw gaganap na Angel, yung female lead?" Wow. Female lead. For sure, Berlin can sing and act really well. Nasa lahi na ata nila ang mga singer at actress. Magaling pa sa musical instruments si Berlin. "Yes. Naghahanap sila ngayon ng male lead. Wala kasi sila nakuha sa audition or kahit sa kabilang section." Sagot ni Berlin. Nanlaki naman ang mata ko, naalala ko ang sinabi ni Cassidy na kung balak ko ba maging main actor ng musical play. "For our main actress s***h female lead, Ms. Berlin Min Scott will play as Angel. The student who can sing and play the violin. She passed the audition." Tama. Sinabi na ni Klein, Berlin will be the main actress. Are they looking for the male lead?  "However, we are still looking for the male lead. We need someone who will portray Denver, the male lead who can sing and play the piano." Nanahimik ang classroom. Nagpapakiramdaman kung sino ang pwede magvolunteer or mag-audition as male lead.  Should I try it?  If I can be the male lead, ang daming oppurtunities ang makukuha ko diba? Maybe, I could improve my social skills. My previous experience rin ako as main actor. Pero kahit matagal na iyon, pwede ko naman magamit as alas to get the role. I should try it. Baka while preparing for the play, I can make friends and so baka mawala yung inis sakin ni Berlin. We can be friends soon. Right? Maybe just like how she treats her friends, ganon din ang maging trato niya sakin. "Mayroon ba sa inyo na kayang magpiano?" Tanong ni Cassidy. Ito na, this is it. Akoz, grab it. I breathed deeply and closed my eyes for five seconds. Pagkabilang ko ng lima ay dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko. Napatingin naman sakin si Klein-- na nakangiti. "Mr. Frondozo? You want to volunteer as the male lead?" Masayang tanong ni Klein sakin. Kabado man, but I should try it. I should claim it. "Y-yes. I can sing and I can play the piano too." I answered trying to look as confident. Pumalakpak naman si Cassidy at tumango-tango. "Okay, will write your name and see me after class. Thank you Mr. Frondozo and class 1-1!" Cassidy answered while writing down my name. Napasandal ako sa upuan ko, bigla akong kinapos ng hininga. Okay Akoz, now do your best. Work hard, and be friends with others especially with Berlin. Kaya ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD