[Narrator] The class is over, natapos na nila ang long quiz sa Business Mathematics at natapos na rin ang lunch break. Ngayon ay nasa office na si Akoz at Berlin, para sa kanilang practice. Hindi tulad dati, walang Yohan na nangugulo sa kanila. Sabi ni Akoz, busy sa plates ang kaibigan niya. Ngayon ay nakafocus sila sa piano at gitara. May isa pang kanta na kailangan ayusin si Akoz at Berlin, the last song they will perform bago matapos ang play nila. Busy ang dalawa sa mga hawak nilang musical instruments, hindi rin matapos-tapos ang discussion nila kung paano mabibigyan ng hustisya ang kanta. Kanya-kanyang suggestions, kanya-kanyang paraan para maipakita ang ganda ng boses sa saliw ng musika. Matapos ang isang oras at kalahati ay umunat si Akoz, sumasakit na ang likod niya sa kakaupo

