[Narrator] Tuesday. Nasa harap si Akoz at Berlin, kasalukuyan silang nasa theatre hall dahil ngayon sila naka-schedule para mag-perform ng kanta na nasa script. Gagawin nila iyon habang nagpapatugtog ng gitara si Berlin at piano naman si Akoz. Kaya abot- abot ang kaba nilang dalawa kahit nagpractice naman sila. Ngayon lang din ulit nakagamit si Berlin ng gitara matapos ang ilang buwan, during the practice naman—violin ang hawak niya. Lumapit si Klein sa kanila, may hawak itong microphone. “Okay guys, scene number 18, after niyo kumanta lalapit si Berlin kay Akoz at yayakapin niya ito. Ikaw Akoz you will say your line okay? Isipin niyo yung taong gusto niyo nasa harap niyo.” Huminga nang malalim si Berlin, habang si Akoz ay umupo na nasa harap ng piano at ngumiti sa kaniya. She did the

