Chapter 35 Concert (Part 2) "Sorry talaga! Kamusta na siya? Nagamot na ba?" sunod sa akin ni Faye sa stock room para sana maglinis ng kalat doon pero tapos na pala. Kinuha ko na lang ang phone at bumuga ng hangin. "Tumawag na ng medic si Maestro noong umalis ako." "Pasensiya na talaga. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na may nakahara pala-" "Sa kanya ka na lang mag-sorry mamaya, Achelois." Her lips instantly twitched with that idea. "I'll try..." Si Cruz na ang inaayusan sa mga oras na iyon. Ang tatlong lalaki ay mukha namang walang pakialam sa nangyari kaya patuloy lang sa paghahanda. Bumalik na rin sa ayos ang OMB dahil nagulat din sa nangyari kahit papaano. Sakto namang nag-text si Natasha kaya sinundo ko na siya sa entrada ng backstage. "I miss you, bruha!" agad niyang yakap

